Pinag-usapan noon ang butt exposure scene ni Marco Gallo sa Ang Manananggal Na Nahahati ang Puso.
Pero para sa Filipino-Italian actor, ang Kitty K7 ang pinakamatindi sa mga pelikulang ginawa niya dahil sa mga nude at love scenes nila ni Rose Van Ginkel.
Read: Marco Gallo, protektado sa butt exposure niya sa pelikula
Ang “Asian position” ang isa sa mga hindi malilimutang eksena ni Marco na ginawa nila ni Rose kaya kung siya ang masusunod, ayaw niyang mapanood ng kanyang ina ang Kitty K7.
“Oh, my God! You know what’s funny? My mom doesn’t even know about this.
"I’m so scared right now. I’m, like, getting so nervous talking about 'Chinese position.'
"Yeah, mom, it’s a game!” sabi ni Marco.
"Nabinyagan" ni Rose si Marco dahil ngayon lamang niya naranasang gumawa ng love scene sa pelikula.
Read: Rose Van Ginkel, nanood ng "live performance" ng cam girl na si Salome Salvi
Pinatotohanan ni Rose na nahirapan si Marco nang kunan ang kanilang “Asian position” scene dahil sumakit ang binti ng kanyang leading man.
Kuwento ni Rose, “Ang agwat kasi ng edad namin ni Marco, five years. So, sabi ko, 'Sh*t, parang ate na ako nito tapos ganito ang gagawin namin.'
“Si Marco, matangkad siya. Ako medyo maliit.
"Meron kaming ginawang Asian position daw. Yung legs niya, dun ako nakapatong na sobrang sakit na sakit si Marco.
“To the point na sinabi niya na ‘Direk, ang sakit!’
“Tawa ako nang tawa pero ginawa naman ni Marco. Tinulungan niya ako.
"First time kasi ni Marco na mag-love scene. Masaya ako na pumayag siyang gawin yung first time niya sa akin. Sobrang na-touch naman ako."
Natuwa naman si Marco nang marinig nito ang mga pahayag ng kapareha niya.
“I didn’t know that you’re so grateful that you were my first one. Medyo kinilig ako,” reaksiyon ni Marco.
Dagdag pa niya, “She said that she’s 25 but she kisses like she’s 16. During the scene, I was, like, 'Rose, I think I need to teach you…'”