Sexy star Ayanna Misola, kasama sa bucket list ang makatrabaho ang idolong si Dina Bonnevie

by Jojo Gabinete
Jun 17, 2022
ayanna misola bucket list
Ayanna Misola on starring in Ang Babaeng Nawawala Sa Sarili remake: “It’s almost the same pero magkaiba na po ang kuwento ng original sa remake. Iba na po ang environment ni Albina, iba na rin po ang backstory at ang kuwento ng bawat characters.”
PHOTO/S: @ayannamisola on Instagram

Si Dina Bonnevie ang isa sa mga inspirasyon ng sexy star na si Ayanna Misola kaya pumasok ito sa show business.

Kasama sa bucket list ni Ayanna na makatrabaho ang aktres na iniidolo niya.

Kahit hindi pa ito nangyayari, isang pangarap na natupad na siya ang napili para magbida sa remake ng Ang Babaeng Nawawala sa Sarili, ang 1989 hit movie ni Dina.

Read: Ayanna Misola, bida sa remake ng Ang Babaeng Nawawala Sa Sarili ni Dina Bonnevie

Ayon kay Ayanna, “Isa po si Miss Dina sa showbiz personalities na nakapag-inspire sa aking mag-artista. Nasa bucket list ko po na maka-work siya someday.

"Kung ano man po yung ipapakita ko sa Ang Babaeng Nawawala sa Sarili, may influence po yun ni Miss D.

“Bukod po sa remake ang movie ko, medyo challenging ang role ko dahil tatlo ang personalities ni Albina," pagtukoy niya sa pangalan ng kanyang karakter sa pelikula.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bilang paghahanda sa role niya sa Ang Babaeng Nawawala sa Sarili, pinanood ni Ayanna ang original version kaya nagkaroon siya ng idea sa pagganap na ipinakita ni Dina sa 32-year-old fim.

“Sinubukan ko pong panoorin sa YouTube ang original version. Medyo malabo lang po ang quality ng movie. Pero ngayon po available na ang original restored version sa Vivamax.

“It’s almost the same pero magkaiba na po ang kuwento ng original sa remake. Iba na po ang environment ni Albina, iba na rin po ang backstory at ang kuwento ng bawat characters.”

Ang pamamanhid ng buong katawan sa unang araw ng shooting niya para sa Ang Babaeng Nawawala sa Sarili ang isa sa mga hindi makalilimutang karanasan ni Ayanna.

“Medyo mabigat po ang eksana. Hindi ko pa alam ang nangyari pero bigla na lang namanhid ang buong katawan ko.

"Ang sabi po ng medic, mataas ang blood pressure ko," kuwento ni Ayanna tungkol sa insidenteng naghatid sa kanya ng pangamba.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Kinumpirma ng direktor ng Ang Babaeng Wala sa Sarili na si Roman Perez Jr. ang nangyari kay Ayanna sa set kanilang pelikula.

“Nakakaloka!” sabi ni Roman sa Cabinet Files.

“Kinabahan siya dahil sa pressure sa kanyang exorcism scene. Muntik na siyang mag-collapse.

"Akala ko sinapian si Ayanna. After two hours, saka siya naka-recover."

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ayanna Misola on starring in Ang Babaeng Nawawala Sa Sarili remake: “It’s almost the same pero magkaiba na po ang kuwento ng original sa remake. Iba na po ang environment ni Albina, iba na rin po ang backstory at ang kuwento ng bawat characters.”
PHOTO/S: @ayannamisola on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results