Richard Gutierrez, pinatay na sa Ang Probinsyano; Cardo Dalisay, nananatiling imortal

by Jojo Gabinete
Jun 17, 2022
coco richard ang probinsyano
Matapos ang dalawang taon ay nagpaalam na sa FPJ's Ang Probinsyano si Richard Gutierrez (kanan) matapos mapatay ang kanyang karakter sa engkuwentro nila ni Cardo Dalisay (Coco Martin).
PHOTO/S: @cocomartin_ph on Instagram

Patuloy ang pagiging imortal ni Cardo Dalisay, ang karakter ni Coco Martin sa FPJ's Ang Probinsyano dahil nakaligtas siya sa madugo na sagupaan nila ni Lito Valmoria sa ibabaw ng isang tulay.

Read: Is Ang Probinsyano's Cardo Dalisay truly dead?

Si Richard Gutierrez ang gumanap na Lito Valmoria, isa sa mga kontrabida sa buhay ni Cardo.

Ngayong Biyernes ng gabi, June 17, 2022, tuluyan nang nagpaalam sa Ang Probinsyano ang kanyang karakter.

Namatay si Lito na nakadilat ang mga mata nang saksakin siya ni Cardo sa dibdib.

richard gutierrez probinsyano death scene

Continue reading below ↓

Ang pagkamatay ni Lito ang hudyat ng pamamaalam ni Richard sa primetime action-drama series ng Kapamilya Channel.

Inaasahan ang mas mataas na rating ng death scene at huling gabi na natunghayan si Richard sa Ang Probinsyano at mahihigitan nito ang most viewed episode noong Huwebes, June 16.

“Thank you for making last night’s episode the highest rated and most viewed episode. All glory to the most high,” pasasalamat ni Richard sa mga nanood ng death-defying fight scenes nila ni Coco kagabi.

Continue reading below ↓

Kasagsagan ng coronavirus pandemic, noong July 2020, nang mag-umpisang mapanood si Richard sa longest primetime action-drama series sa telebisyon kaya tiyak na mami-miss siya ng loyal viewers ng Ang Probinsyano, na dalawang taong naging bahagi ng kanyang buhay.

Sa pagpapaalam ng karakter ni Richard sa Ang Probinsyano, isang bagong katauhan ang pumasok, ang veteran at multi-awarded actress na si Charo Santos-Concio na gagampanan ang role ng katipunera na si Ramona.

Charo Santos-Concio

Continue reading below ↓

Nagsimula ngayong Biyernes ng gabi ang partisipasyon ni Charo sa Ang Probinsyano dahil siya at ang kanyang mga kasama ang nagligtas at kumuha kay Cardo mula sa tulay na pinangyarihan ng pakikipagbakbakan nito kay Lito Valmoria.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Matapos ang dalawang taon ay nagpaalam na sa FPJ's Ang Probinsyano si Richard Gutierrez (kanan) matapos mapatay ang kanyang karakter sa engkuwentro nila ni Cardo Dalisay (Coco Martin).
PHOTO/S: @cocomartin_ph on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results