Danica Sotto, buntis sa 3rd baby matapos ang halos 10 years na paghihintay

by Jojo Gabinete
Jun 19, 2022
Danica Sotto
Masayang ibinahagi ni Marc Pingris ang kanyang Father's Day revelation sa kanyang Facebook account ngayong Linggo, June 19. Buntis sa ikatlong pagkakataon ang kanyang misis na si Danica Sotto-Pingris. (Photo: @jeanmarc15 @danicaspingris on Instagram)

Ang pagbubuntis ng kanyang asawa na si Danica Sotto ang Father’s Day revelation ngayong Linggo, June 19, 2022, ni Marc Pingris.

“Happy father’s day to me!!! Thank you Lord for another blessing! Sa lahat ng mga daddy, happy father’s day po sa inyo,” ang caption ng 40-year-old cager sa pregnancy ultrasound photo naka-post sa kanyang Facebook page.

Kumpirmasyon ito na buntis sa ikatlong pagkakataon si Danica, 40.

Marc Pingris
Danica Sotto

Continue reading below ↓

Answered prayer naman para kay Danica ang kanyang pagbubuntis.

Aniya, “Thank you Lord for our answered prayer” na nilagyan niya ng hashtags na #godsperfecttime, #baby3 at #glorytogod sa video na inilabas niya sa kanyang Instagram post na may voice-over na “God has perfect timing. Never early, never late. It just takes a little patience and a whole lot of faith but it’s worth the wait.”

May dalawang anak sina Marc at Danica, si Jean-Michel na isinilang noong June 26, 2008, at si Anielle Micaela na ipinanganak noong September 20, 2011.

Marc Pingris
Danica Sotto

Continue reading below ↓

Ang pagbubuntis ni Danica ang katuparan ng kanyang Facebook post noong January 8, 2022, ang throwback picture nila ni Marc na nilagyan niya ng caption na “Us a couple of years back. God willing, we will get pregnant this year,” na nangyari makalipas lamang ang ilang buwan dahil hindi ipinagkait ng Panginoong Diyos ang kanilang ipinagdasal na magkaroon ng bagong miyembro ang pamilya Pingris.

Danica Sotto
Marc Pingris

Continue reading below ↓
We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Masayang ibinahagi ni Marc Pingris ang kanyang Father's Day revelation sa kanyang Facebook account ngayong Linggo, June 19. Buntis sa ikatlong pagkakataon ang kanyang misis na si Danica Sotto-Pingris. (Photo: @jeanmarc15 @danicaspingris on Instagram)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results