Jeric Gonzales, mabilis na naka-move on sa breakup nila ni Rabiya Mateo?

by Jojo Gabinete
A day ago
Rabiya Mateo, Jeric Gonzales
Ayon sa showbiz insiders, tila hindi apektado at masaya pang nakakapagtrabaho si Jeric Gonzales sa kabila ng napabalitang breakup nila ni Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo.
PHOTO/S: @rabiyamateo Instagram

Blocked at hindi basta unfollow ang ginawa ni Jeric Gonzales sa social media accounts ni Rabiya Mateo, kaya marami ang naniniwala na tuluyan nang nagwakas ang kanilang pagmamahalan kaya wala nang balikan na mangyayari.

November 2021 nang magsimula ang pagkakamabutihan nina Jeric at Rabiya nang magkasama sila sa isang episode ng Wish Ko Lang ng GMA-7.

Kinumpirma nila sa publiko ang kanilang relasyon noong March 2022.

Mula nang magkaroon ng relasyon ang dalawa, sinasabing madalas ang kanilang pag-aaway dahil sa selos kaya hindi na nagulat ang mga tao sa paligid nila nang maghiwalay sila.

Kasama si Jeric sa cast ng Start-Up, ang upcoming prime-time drama series ng GMA-7 na pinagbibidahan nina Alden Richards at Bea Alonzo.

Malaking tulong para kay Jeric ang pagiging abala sa magkakasunod na araw na taping niya para sa Start-Up dahil nalilibang siya at nawawala sa kanyang isip ang masalimuot na breakup nila ng Miss Universe Philippines 2020 titleholder.

Continue reading below ↓

Ang mga tao na nakakausap at nakakatrabaho ni Jeric ang nakapansin na tila mabilis ang recovery nito mula sa breakup nila ni Rabiya dahil maaliwalas ang kanyang mukha, masaya siya sa set ng Start-Up, at mahimbing ang tulog niya.

Maliban sa litrato na kasama niya sina Royce Cabrera at Boy2 Quizon na kuha sa taping ng Start-Up, burado na ang lahat ng mga larawan ni Jeric sa Instagram account nito.

Tila pahiwatig ito ng kanyang kagustuhan na magkaroon ng "fresh start" pagkatapos ng kontrobersyal na split-up nila ni Rabiya.

Jeric Gonzales, Rabiya Mateo

Continue reading below ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ayon sa showbiz insiders, tila hindi apektado at masaya pang nakakapagtrabaho si Jeric Gonzales sa kabila ng napabalitang breakup nila ni Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo.
PHOTO/S: @rabiyamateo Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results