Buboy Villar, sinusulit ang panahon sa mga anak bago lumipad sa South Korea

by Jojo Gabinete
Jun 24, 2022
buboy villar running man philippines
Buboy Villar on his strength compared to Running Man Philippines co-members: “Kumbaga, magtitiwala ako sa sarili ko kasi alam ko kung anong mga gagawin ko. Kung sino ang mga kakausapin ko kasi magaling akong magsalita. So, feeling ko, kaya ko silang laruin lahat. Kaya ko silang paikutin sa mga palad ko."
PHOTO/S: GMA Network / @buboyvillar on Instagram

Dalawang buwang mamamalagi sa South Korea sina Buboy Villar, Ruru Madrid, Mikael Daez, Kokoy de Santos, Lexi Gonzales, Angel Guardian, at Glaiza de Castro para sa taping ng Running Man Philippines.

Hindi magkakasabay na aalis ng bansa ang cast ng reality competition ng GMA-7 pero nakatakda silang bumiyahe sa South Korea ngayong weekend.

Tiniyak ni Buboy na mangungulila siya sa kanyang dalawang anak kaya sinusulit niya ang panahong magkasama sila habang naririto pa siya sa Pilipinas.

“Daddy rin ako. Sinusulit ko yung family time ko sa son and daughter ko.

“Kakauwi lang ng panganay ko so talagang mami-miss ko siya kasi kung kailan naman siya nakauwi galing sa Amerika, saka naman yung pag-alis ko so ganoon talaga.

“Sacrifice muna ngayon, Running Man naman ito at babalik naman ako.

“Ang gusto ko lang naman, maitawid ko, mapasaya namin yung mga taong sumusuporta sa Running Man. Yun ang pinaka-goal namin,” pahayag ni Buboy sa Zoom media conference ng Running Man Philippines na naganap ngayong Biyernes ng tanghali, June 24, 2022.

Continue reading below ↓

Si Buboy ang babantayan ng mga kasamahan niya dahil sa kanilang paniniwalang siya ang magiging pinakamahigpit na kalaban nila sa Philippine version ng reality competition na nagmula sa South Korea.

Hindi itinanggi ni Buboy ang kutob ng mga makakasama niya sa Running Man dahil siya raw talaga ang dapat bantayan.

Continue reading below ↓

“Hindi sila nagkakamali. Tama lang ang pinagsasasabi nila na dapat nila akong bantayan,” buong-buo ang kumpiyansa sa sariling deklarasyon ni Buboy.

“Kasi kapag hindi nila ako nabantayan, bigla na lang akong mawawala sa paningin nila. Gumagawa na ako ng paraan para kung paano makakalamang kasi alam ko naman na hindi lang effort… katulad ng sinabi ni Glaiza, hindi lang ito basta physical.

“Kumbaga, magtitiwala ako sa sarili ko kasi alam ko kung anong mga gagawin ko. Kung sino ang mga kakausapin ko kasi magaling akong magsalita.

"So, feeling ko, kaya ko silang laruin lahat. Kaya ko silang paikutin sa mga palad ko."

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Buboy Villar on his strength compared to Running Man Philippines co-members: “Kumbaga, magtitiwala ako sa sarili ko kasi alam ko kung anong mga gagawin ko. Kung sino ang mga kakausapin ko kasi magaling akong magsalita. So, feeling ko, kaya ko silang laruin lahat. Kaya ko silang paikutin sa mga palad ko."
PHOTO/S: GMA Network / @buboyvillar on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results