Cesar Montano at Diego Loyzaga, excited makatrabaho ang isa't isa

by Jojo Gabinete
Jun 25, 2022
cesar montano diego loyzaga maid in malacanang
Diego Loyzaga on working with dad Cesar Montano for the first time: "This has been a long time coming. I’ve been dying for this moment and I think, everything happens for a reason."
PHOTO/S: Viva Films

Hindi itinanggi ni Cesar Montano na nasasabik siya sa muling pag-arte sa harap ng kamera dahil ilang taon na ang nakalilipas mula nang gumawa siya ng pelikula.

Ang Maid in Malacañang ang comeback movie ni Cesar.

Isang biyaya para sa kanya ang proyekto dahil sa kauna-unahang pagkakataon, makakasama niya ang anak na si Diego Loyzaga.

Read: Mag-amang Cesar Montano at Diego Loyzaga, gaganap na Ferdinand Marcos Sr. and Jr. sa comeback movie ni Darryl Yap

“It is a great blessing. Napakasaya ko, I’m so excited to work with my son. Finally, magkakatrabaho na kaming dalawa,” pahayag ni Cesar sa digital media conference ng Maid in Malacañang na naganap ngayong Sabado ng gabi, June 25, 2022.

Gagampanan ni Cesar sa pelikula ang karakter ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr.

Ayon sa aktor na dating gumanap bilang Jose Rizal sa pelikula, ni sa panaginip ay hindi umano pumasok sa kanyang isip na darating ang araw na bibigyang-buhay niya sa pelikula ang katauhan ng dating pangulo ng Pilipinas.

Continue reading below ↓

“Nakita ko sa paglaki ko si President Ferdinand Marcos. Nandoon din ako during ng pag-alis nila pero hindi pumasok sa aking panaginip o isipan na ako ang gagawa nito, ng pelikulang ito, ng karakter na ito kaya laking pasasalamat,” saad niya.

Binanggit ni Cesar na nakagawa na siya ng isang pelikula, ang The Blood Brothers, pero mauunang ipalabas sa mga sinehan ang Maid in Malacañang sa July 20.

“Meron nga akong ginawang pelikula, maipo-promote ko tuloy, The Blood Brothers. Tapos na naming gawin. It’s about the indigenous people.

"Pero mauuna itong [Maid in Malacañang] ipalabas.

I’m so excited na napakaganda po na ito muna ang mauuna, ang Maid in Malacanang bago yung The Blood Brothers,” pagbabahagi ni Cesar.

Hindi lamang ang multi-awarded actor ang excited sa pagsisimula ng shooting ng Maid in Malacañang sa June 27 dahil pareho sila ng nararamdaman ni Diego, na gaganap namang Bongbong Marcos.

Sabi ni Diego, “This has been a long time coming. I’ve been dying for this moment and I think, everything happens for a reason.

Continue reading below ↓

“So siyempre, I’m excited to be working with my dad. Tulad ng sinabi niya, excited kaming dalawa.

"At the same time, hindi rin on a small platform kami first na magsasama.”

Dagdag pa niya, “We’ll play the late president and the incoming president. Patung-patong yung pressure.

“It’s not just I’m working with my dad. It’s the first time I’m portraying not just a regular character. I’m playing the role of a very very important man.

“It’s a very big deal. I feel pressured but it’s exciting.

"If there’s anytime I have given the opportunity to prove myself this would have been the one."

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Diego Loyzaga on working with dad Cesar Montano for the first time: "This has been a long time coming. I’ve been dying for this moment and I think, everything happens for a reason."
PHOTO/S: Viva Films
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results