Sen. Imee Marcos, wala umanong historical revisionism sa Maid In Malacañang movie

by Jojo Gabinete
Jun 25, 2022
maid in malacanang
(Left photo) Senator Imee Marcos with Maid In Malacanang director Darryl Yap and stars Beverly Salviejo, Karla Estrada, and Elizabeth Oropesa; (right photo) poster of the movie featuring cast members who will play the former Marcos Family.
PHOTO/S: Facebook / Viva Films

Sinabi ni Senator Imee Marcos na walang historical revisionism na mangyayari sa kuwento ng huling tatlong araw ng paninirahan ng kanilang pamilya sa Malacañang Palace noong February 1986.

Napilitang umalis sa Malacañang ang pamilya Marcos bunsod ng makasaysayan at mapayapang EDSA People Power Revolution, na hudyat ng pagtatapos ng mahigit 20 taong rehimen ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.

Ang mga kaganapan dito ang isasalin sa pelikulang Maid In Malacañang ng direktor na si Darryl Yap; at pagbibidahan nina Cesar Montano, Diego Loyzaga, Cristine Reyes, Ella Cruz, at Cristine Reyes.

Read: Mag-amang Cesar Montano at Diego Loyzaga, gaganap na Ferdinand Marcos Sr. and Jr. sa comeback movie ni Darryl Yap

“Sa isipan namin, for me at sa aking pamilya, panahon na na magkuwento rin kami kung anong nangyari sa Malacañang, yung nalalaman namin.

“Hindi natin binabago ang katotohanan. Dinadagdagan lamang ng kaalaman namin,” pahayag ni Imee nang dumalo siya sa digital media conference ng Maid In Malacañang nitong Sabado, June 25, 2022.

Continue reading below ↓

Sina Karla Estrada, Beverly Salviejo, at Elizabeth Oropesa ang mga gaganap na kasambahay ng mga Marcos sa Malacañang Palace.

Mula sa point of view nila ang kuwento kaya Maid In Malacañang ang pamagat ng pelikula.

Nang tanungin tungkol sa mga sinasabi ng mga taong babaguhin nila ang katotohanan sa pamamagitan ng Maid In Malacañang, iginiit ni Imee na karapatan ng sambayanang Pilipino na malaman ang kuwento o panig ng kanilang pamilya.

Saad niya, “Ito ay kuwento lamang na nalalaman namin from our point of view. Wala kaming binabago sa sinasabi nila. Nilalahad lang namin yung alam namin.

“We’re not revising anything. It’s totally inaccurate to say that.

"We’re simply explaining in this film, to some degree, kung ano yung mga pangyayari nung huling tatlong araw.

"At palagay ko, may karapatan naman ang Pilipino, ang sambayanan na malaman kung anong nangyayari sa loob ng palasyo nung mga panahon na yun.”

Hindi malayong isipin ng ibang mga tao ang historical revisionism dahil na rin sa pahayag ni Senator Imee sa panayam niya sa CNN Philippines noong May 25, 2022.

Continue reading below ↓

Dito ay malinaw na sinabi ng senadora na higit sa pagbabalik ng kanilang pamilya sa Malacañang, umaasa silang malinis ang pangalan ng kanilang yumaong ama ngayong nanalo ang kanyang kapatid na si Ferdinand Marcos Jr. sa presidential race.

Pahayag ni Senator Imee: “The return to Malacañang, galing na kami doon, e, kung tutuusin hindi masyadong mahalaga yung pagbabalik sa Palasyo.

“What’s most important to us is, of course, our name, the family name that has become so controversial, and so difficult at times to bear."

Dagdag pa niya, "The legacy of my father is what we hope will be clarified at last."

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
(Left photo) Senator Imee Marcos with Maid In Malacanang director Darryl Yap and stars Beverly Salviejo, Karla Estrada, and Elizabeth Oropesa; (right photo) poster of the movie featuring cast members who will play the former Marcos Family.
PHOTO/S: Facebook / Viva Films
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results