Shoe designer Jojo Bragais, kumpiyansang hindi dahil sa sapatos niya kaya natapilok si Fuschia Ravena

by Jojo Gabinete
Jun 26, 2022
jojo bragais fuschia ravena
Siguradong-sigurado ang international shoe designer na si Jojo Bragais (kaliwa) na hindi dahil sa idinisenyo niyang sapatos ang dahilan ng pagkakatapilok ni Fuschia Anne Ravena sa long gown competition ng Miss International Queen 2022 matapos panoorin nang pauli-ulit ang insidente. "Naapakan ni Fuschia yung gown niya. She tripped," saad ni Bragais.
PHOTO/S: Instagram / YouTube

Paulit-ulit na pinanood ng international shoe designer na si Jojo Bragais ang video ng pagkakatapilok ni Fuschia Anne Rivera sa long gown competition ng Miss International Queen 2022 na ginanap sa Pattaya, Thailand, Sabado ng gabi, June 25.

Siguradong-sigurado siyang walang kinalaman sa nangyari ang Kevin shoes na espesyal na ginawa niya para sa third Filipino winner ng international beauty pageant ng transgender women.

fuschia ravena tapilok moment

Continue reading below ↓

Read: Philippine bet Fuschia Anne Ravena crowned Miss International Queen 2022

Paliwanag ni Bragais sa Cabinet Files, “I’ve watched the video several times at naapakan ni Fuschia yung gown niya. She tripped, but at the same time I felt really proud.

“Masasabi ko na the balance of my shoes is still well engineered because we tried sa product development na habang suot, itatagilid siya para sa ganoong moments, and the result is amazing. Hindi ka talaga madadapa.

“I don’t think the shoes is too high, it’s an H9 aesthetic on a six-inch heel height. The toe spring of the shoes is designed not just for balance but for walkability also.

“I’m actually proud na I'm seeing the hard work na ibinibigay namin sa pairs na aming ginagawa every time na may ganoong moment.

"Ibig sabihin, my team did an amazing job.”

miss international queen 2022 fuschia anne ravena

Continue reading below ↓

Kevin ang pangalan ng sapatos dahil ito ang parangal ni Bragais kay Kevin Balot, ang kauna-unahang Filipino transgender woman na nagwagi ng korona ng Miss International Queen noong 2012.

Si Ravena ang pangatlong Pilipino na nanalo ng nabanggit na titulo kaya uumpisahan na ni Bragais ang paggawa ng disenyo ng sapatos na ipapangalan niya sa bagong hirang na Miss International Queen bilang tribute.

Saad niya, “I've finished the design already. I just need to do product development.

"Ito ang medyo madugo and mahirap ‘coz it will take time doing calculations and product development phase with trial and error and endless na pagpapalakad [sa model ng prototype shoes] 'til maging happy na ako bago ilabas sa public.”

COLLAB WITH MICHAEL CINCO

Ipinagmamalaki naman ni Bragais ang collaboration nila ng international fashion designer na si Michael Cinco para sa mga kandidato ng Mister International Philippines 2022, ang pageant para sa mga kalalakihan.

Continue reading below ↓

jojo bragais

“Matagal na akong gumagawa ng shoes para sa pageantry then I started to explore the men’s line.

“Bragais is known for doing shoes that boost the height.

“I wanted to help elevate the male pageantry because I feel there’s a lot of potential, unlike women pageantry na well-represented, so I shared this thought to Michael Cinco and he was very supportive.

Continue reading below ↓

“Nakakakilig dahil isang napakalaking karangalan to have a legendary designer to be in one frame with Bragais.

“In all honesty, mas mahirap gawin ang shoes ng lalaki dahil mabusisi at mas matagal ang production.

"It may look simple but choosing the materials for men’s footwear, yun ang talagang challenge,” sabi ni Bragais.

Pinasalamatan din ng international Filipino shoe designer ang mga namamahala sa Intramuros Park dahil pinayagan silang gawin ang pictorial ng collaboration nila ni Cinco sa makasaysayang lugar ng Maynila.

mister international philippines 2022

Continue reading below ↓

SUPPORTING PAGEANTS

Noong March 2021, naging kontrobersiyal si Bragais nang maglabas ito ng cryptic post tungkol sa respeto dahil hindi siya kasama sa mga pinasalamatan ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa unveiling ng wax figure nito sa Madam Tussauds Wax Museum sa Singapore.

Nasaktan ang kalooban ni Bragais dahil ang sapatos na ginawa niya para kay Catriona ang ginamit sa wax figure at hindi siya binigyan ng kredito.

Read: Shoe designer Jojo Bragais, may parinig sa di pag-acknowledge sa kanya sa wax figure ni Catriona Gray

Pero hindi ito ang magiging hadlang para ihinto niya ang pagsuporta sa mga baguhang kandidata, pati sa mga national at international beauty pageant.

Pahayag ni Bragais, “I always see myself sa mga start-up. Just like them, I started from scratch at kahit sino man sila, naniniwala ako na given the right support and guidance can do so much.

“At kapag naipasa yun at sila naman ang naging successful, that deed and act of kindness will never die.

Continue reading below ↓

“Iba ang pakiramdam when you are part of building someone's dream. Ang sarap sa feeling na makatulong.

“I travelled a lot noong pre-pandemic at marami akong karanasan where some people look down on Filipinos.

“Every time a representative is out there shouting Philippines, dala niya ang sambayanang Pilipino. At kapag nanalo sila, tayong lahat din ang nanalo.

“Ang ganitong Pinoy pride moments ang nagbibigay ng satisfaction dahil we uplift our country sa paraan na kaya natin base sa ating line of work at nakaka-proud yun.”

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Siguradong-sigurado ang international shoe designer na si Jojo Bragais (kaliwa) na hindi dahil sa idinisenyo niyang sapatos ang dahilan ng pagkakatapilok ni Fuschia Anne Ravena sa long gown competition ng Miss International Queen 2022 matapos panoorin nang pauli-ulit ang insidente. "Naapakan ni Fuschia yung gown niya. She tripped," saad ni Bragais.
PHOTO/S: Instagram / YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results