Dennis Padilla, nag-sorry sa anak na si Leon Barretto: "Miss ko lang kayo."

by Jojo Gabinete
Jun 27, 2022
dennis padilla son leon barretto
Tila tinamaan si Dennis Padilla sa open letter sa kanya ng anak na si Leon Barretto kaya humingi ng paumanhin ang komedyante at sinabing nami-miss niya lang ito at ang mga kapatid nito.
PHOTO/S: @kapusoprgirl / @theleonbarretto on Instagram

Maiksi ngunit punumpuno ng kahulugan ang naging sagot ni Dennis Padilla sa open letter para sa kanya ng anak niyang si Leon Barretto sa Instagram kahapon, June 26, 2022.

Read: Leon Barretto to estranged father Dennis Padilla: "Papa, why does it seem like you enjoy hurting your kids in public?"

“I am sorry Leon… Miss ko lang kyo. God bless you more," mensahe ni Dennis para kay Leon sa Instagram din.

dennis padilla post

Continue reading below ↓

Nasaktan si Leon sa social media post ng kanyang estranged father na hindi ito naalalang batiin ng “Happy Father’s Day” ng mga anak niya noong June 19, 2022.

Read: Dennis Padilla laments not getting Father’s Day greeting from children Julia, Claudia, Leon

Naging biktima ng bashing si Leon at ang kanyang mga kapatid na sina Julia at Claudia dahil sa Instagram post ni Dennis.

Binura rin ng komedyante ang kanyang paghihimutok pero huli na dahil hinusgahan na ng publiko ang mga anak nila ng ex-wife niyang si Marjorie Barretto.

"Powerful" ang open letter ni Leon dahil marami ang nakisimpatiya sa kanya at sa mga kapatid niya, bagamat may mga kumampi rin kay Dennis.

Nauunawaan ng publiko ang pinagmumulan ng sakit ng kalooban ni Leon dahil sa mga pahayag nito.

Sabi ni Leon, “For the past 10 years, we have been trying so hard to slowly rebuild the bridge you continuously burn every time you talk about our private matters in your presscons, interviews and social media."

Continue reading below ↓

Nasaktan para kay Leon ang ilang netizens nang magtanong siya ng “Papa, why does it seem like you enjoy hurting your kids in public?

“Why do you keep posting cryptic posts about us and allow people to bash us on your own Instagram page?

“Do you think it does not pain all of us not to feel protected by their own father?"

Sabi pa ni Leon, “It’s not that we don’t want to talk to you but the few times we do to resolve the issues, you communicate by shouting, cursing, and using hurtful words that traumatize us.”

Continue reading below ↓

Ayon sa mga malalapit kay Dennis, tiyak na naapektuhan at nasaling ang puso ng komedyante kaya humingi ito ng paumanhin kay Leon, na hindi pa rin nawawala ang respeto sa kanya bilang ama base sa mga salitang ginamit ng anak niya sa open letter.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Tila tinamaan si Dennis Padilla sa open letter sa kanya ng anak na si Leon Barretto kaya humingi ng paumanhin ang komedyante at sinabing nami-miss niya lang ito at ang mga kapatid nito.
PHOTO/S: @kapusoprgirl / @theleonbarretto on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results