Carla Abellana at Max Collins, rumampa sa bridal fashion show

by Jojo Gabinete
Jun 27, 2022
carla abellana max collins bridal fashion gown
Kabilang sina Carla Abellana (kaliwa) at Max Collins (kanan) sa mga celebrity na rumampa sa bridal fashion show na ginanap sa Manila Marriott Hotel noong June 25, 2022. Ito ay sa kabila ng kumpirmadong paghihiwalay ni Carla at ng asawa nitong si Tom Rodriguez at ang di mamatay-matay na balita hiwalay na rin si Max sa mister niyang si Pancho Magno.
PHOTO/S: Manila Marriott Hotel Facebook

Tila "nanadya" sina Carla Abellana at Max Collins ang reaksiyon ng ilang nanood ng Marry Me, ang bridal fashion show na ginanap sa Marriott Hotel noong Sabado ng gabi, June 25, 2022.

Sina Carla at Max ay kabilang sa featured celebrity models sa bridal fashion show.

Marami ang nagulat sa partisipasyon ng dalawang Kapuso stars dahil hindi lingid sa kaalaman ng lahat na hiwalay na si Carla sa asawa niyang si Tom Rodriguez, habang si Max naman ay napapabalitang matagal nang hiwalay sa mister nitong si Pancho Magno.

Blue wedding gown ang suot ni Carla.

carla abellana bridal fashion show

Continue reading below ↓

Ayon sa isang eyewitness, nagbulungan ang mga tao nang rumampa siya sa stage dahil pinag-uusapan pa rin ang paghihiwalay nila ni Tom, tatlong buwan matapos mangyari ang kanilang church wedding sa isang bayan sa Batangas noong October 23, 2021.

Read: Tom Rodriguez at Carla Abellana, hiwalay na tatlong buwan lamang pagkatapos ikasal?

Ginanap ang kasal nina Max at Pancho sa Marriott Hotel noong December 11, 2017. Ito ang naalaala ng audience dahil sa pagrampa ng aktres sa lugar na pinagdausan ng pag-iisang dibdib nila ng kanyang asawa na balitang nakahiwalayan na niya.

max collins brodal fashion show

Continue reading below ↓

Tila "nanadya" sina Carla at Max ang pumasok sa isip ng mga nakapanood sa bridal fashion show.

Ang pagpayag ng dalawa na maging models ng mga wedding gown ang nagpaalaala sa mga tao sa malungkot na kinahinatnan ng kanilang pakikipagrelasyon sa mga aktor na pinakasalan nila at pinangakuan ng “I promise to love and cherish you in sickness and in health, for richer or poorer, for better or worse, as long as we both shall live.”

Kasama rin si Rabiya Mateo sa mga aktres na nagmodelo ng mga wedding gown.

“Bakit puro broken-hearted ang mga modelo?” ang narinig na tanong dahil kahihiwalay pa lamang ng dating beauty queen at ng boyfriend niyang si Jeric Gonzales.

rabiya mateo bridal fashion show

Continue reading below ↓

Read: Rabiya Mateo, Jeric Gonzales break up after only three months of relationship?

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kabilang sina Carla Abellana (kaliwa) at Max Collins (kanan) sa mga celebrity na rumampa sa bridal fashion show na ginanap sa Manila Marriott Hotel noong June 25, 2022. Ito ay sa kabila ng kumpirmadong paghihiwalay ni Carla at ng asawa nitong si Tom Rodriguez at ang di mamatay-matay na balita hiwalay na rin si Max sa mister niyang si Pancho Magno.
PHOTO/S: Manila Marriott Hotel Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results