Watch Now

Ang huling araw ni Rodrigo Duterte bilang ika-16 na Pangulo ng Pilipinas...

by Jojo Gabinete
Jun 30, 2022
rodrigo duterte
Kabilang sa mga aktibidad ni former President Rodrigo Duterte sa huling araw niya bilang Pangulo ng Pilipinas ang pakikipagkita kay bagong Pangulong Ferdinand Marcos Jr. (inset, top), pagpunta sa Greenbelt Mall sa Makati (inset, bottom), at pagbalik sa Davao (kanan).
PHOTO/S: Facebook

Kahit nakatuon ang atensiyon ng karamihan sa panunumpa ni Ferdinand Marcos Jr. bilang ika-17 Pangulo ng Pilipinas nitong Huwebes ng tanghali, June 30, 2022, marami pa rin ang interesado sa mga ginawa ni former President Rodrigo Duterte nang bumaba ito mula sa kanyang puwesto at bumalik sa simpleng pamumuhay.

Read: Ferdinand Marcos Jr. is sworn in as 17th President of the Philippines

Bago nagpunta si Marcos Jr. sa National Museum para sa kanyang inagurasyon, nagsadya muna siya sa Malacañang Palace para makipagkita at makipag-usap kay Duterte.

bongbong marcos rodrigo duterte

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ginugol naman ni Duterte ang mga huling oras niya sa Palasyo sa pamamagitan ng pagpapakuha ng litrato, kasama ang kanyang mga tauhan sa iba’t ibang lugar ng Malacañang Palace na naging tanggapan niya sa loob ng anim na taon.

martin andanar rodrigo duterte

Former President Rodrigo Duterte with Martin Andanar

Mula sa Malacañang Palace at bilang Citizen Duterte, nagtungo ang dating pangulo at ang kanyang mga kasama sa Greenbelt 5 sa Makati City para mag-shopping at kumain sa Fely J’s, isang Filipino restaurant.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

duterte in greenbelt

Tila isang rockstar na pinagkaguluhan si Duterte ng mga kababayan nating nakasalamuha niya sa mall.

Nitong Huwebes ng gabi, bumalik na si Duterte sa Davao City, sakay ng isang commercial flight at mainit ang naging pagsalubong sa kanya ng Davaoeños na nagpalakpakan nang dumating siya sa international airport ng siyudad.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

rodrigo duterte at davao international airport

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kabilang sa mga aktibidad ni former President Rodrigo Duterte sa huling araw niya bilang Pangulo ng Pilipinas ang pakikipagkita kay bagong Pangulong Ferdinand Marcos Jr. (inset, top), pagpunta sa Greenbelt Mall sa Makati (inset, bottom), at pagbalik sa Davao (kanan).
PHOTO/S: Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results