Watch Now

Nasaan si Irene Marcos-Araneta sa inauguration ni President Ferdinand Marcos Jr.? Broadcaster, panay ang bash sa isang bisita

by Jojo Gabinete
Jun 30, 2022
marcos family
Wala sa entablado si Irene Marcos-Araneta sa inauguration ng kapatid na si President Ferdinand Marcos Jr. ngayong June 30, 2022. Kasama ni Pangulong Marcos Jr. sa larawan ang inang si Imelda Marcos, asawang si Liza Araneta-Marcos, mga anak na sina Sandro at Vinny, mga kapatid na sina Imee at Aimee, at mga pamangkin na sina Borgy at Matthew Manotoc.
PHOTO/S: Courtesy of RTVM

Hinanap ng mga tao si Irene Marcos-Araneta dahil hindi siya namataan sa oath-taking ceremonies ng kanyang kapatid na si President Ferdinand Marcos Jr. na naganap sa National Museum ngayong Huwebes ng tanghali, June 30.

Read: Here's what the First Family wore at President Bongbong Marcos' inauguration

Hindi tiyak kung dumalo si Irene sa inauguration ng kapatid o hindi, pero wala siya sa lumabas na photo op ng kanilang buong pamilya.

Hindi naman napanood sa isang news program ang reaksiyon ng isang broadcaster habang pinagmamasdan nito ang mga eksena sa inagurasyon ni Marcos Jr.

Sa harap ng kamera, nakangiti ang broadcaster habang nag-uulat tungkol sa panunumpa ni Marcos Jr. bilang ika-labimpitong pangulo ng Pilipinas. Pero off-cam, puro negatibo ang mga komento na kanyang sinasabi.

Nagmistulang basher ang broadcaster nang pintasan nito nang wagas ang isa sa mga bisita sa inagurasyon ni Marcos Jr. dahil naging personal ang kanyang pagbatikos.

Anim na taon manunungkulan si Marcos Jr. bilang pangulo ng Pilipinas kaya anim na taon din ang pagtitiis na gagawin ng broadcaster na hindi maitago ang tunay na damdamin tungkol sa bagong administrasyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Wala sa entablado si Irene Marcos-Araneta sa inauguration ng kapatid na si President Ferdinand Marcos Jr. ngayong June 30, 2022. Kasama ni Pangulong Marcos Jr. sa larawan ang inang si Imelda Marcos, asawang si Liza Araneta-Marcos, mga anak na sina Sandro at Vinny, mga kapatid na sina Imee at Aimee, at mga pamangkin na sina Borgy at Matthew Manotoc.
PHOTO/S: Courtesy of RTVM
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results