Watch Now

Alexa Miro, spotted sa oath taking ng rumored boyfriend na si Sandro Marcos sa Malacañang

by Jojo Gabinete
Jul 1, 2022
alexa miro sandro marcos oath taking
Tila proud girlfriend si Alexa Miro nang manumpa ang boyfriend niyang si Sandro Marcos sa ama nitong si President Ferdinand Marcos Jr. sa Malacañang kahapon, June 30, 2022.
PHOTO/S: Screen grab from Facebook

Pinangunahan ni President Ferdinand Marcos Jr. sa Malacañang Palace ang panunumpa ng mga miyembro ng kanyang gabinete, mga nahalal na mayor, house representatives, at ibang opisyal mula sa Ilocos Norte kahapon, June 30, 2022.

Ito ang unang araw ni Marcos Jr. bilang bagong Pangulo ng Pilipinas.

Kabilang sa mga nanumpa kay Marcos Jr. ang kanyang anak na si Sandro Marcos, ang bagong congressman ng unang distrito ng Ilocos Norte.

Namataan sa Malacañang Palace si Alexa Miro dahil imbitado siya sa panunumpa ng kanyang rumored boyfriend.

alexa miro sandro marcos oath taking

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Lani Mercado accidentally reveals Sandro Marcos's secret relationship; is it Alexa Miro?

Si Alexa ang lead actress ng A Girl & A Guy, ang sexy film ng direktor na si Erik Matti na matagal namayagpag sa Netflix Philippines, kaya nakilala agad siya ng ibang mga bisita sa Palasyo.

Video: Antonio Payomo III (video producer / editor), Bong Godinez (writer).

Ang pagdalo ni Alexa sa oath taking ni Sandro ang isang patunay na tanggap siya ng pamilya ng presidential son, kahit hindi pa sila nagsasalita tungkol sa tunay na estado ng kanilang relasyon.

Magandang-maganda si Alexa sa white Mark Bumgarner outfit niya.

alexa miro sandro marcos oath taking

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi maaaring itanggi ang pagbisita niya sa palasyo dahil sa mga litrato at video na ebidensiyang abala siya sa pagkuha ng mga larawan — gamit ang kanyang cellphone camera — ni Sandro habang nanunumpa ito sa amang si President Marcos Jr.

Ang maging aktres ang matagal nang pangarap ni Alexa na nagsimula bilang contestant noong 2001 ng Munting Miss U ng Magandang Tanghali Bayan, ang defunct noontime show ng ABS-CBN.

Bago nabigyan ng malaking break sa A Girl & Guy, gumawa si Alexa ng mga commercial at nagkaroon ng mga teleserye.

Isa si Alexa sa mga itinuturing na matalinong baguhang aktres na naging popular sa panahon ng coronavirus pandemic. Nag-aral siya ng Communication Arts sa De La Salle University.

Personal choice ni Matti si Alexa para magbida sa A Girl & A Guy.

Pahayag ng direktor tungkol sa aktres nang makausap namin siya kahapon, June 30, “Magaling talaga si Alexa. Magaling siya. Vulnerable, sensitive.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Ang gauge ko talaga nung nag-audition, sa dami nilang artista, I don’t want to have problems on the set, yung pipilitin ko pang umakting.

“So, ang gauge ko lang talaga, nung nag-audition kami, do this material the way you want ito do be done.

"Hindi ko tinitingnan ang bawat pagbali niya ng eksena, tinitingnan ko how she can adjust herself sa instruction.

"Yun talaga ang gauge ko sa mga artista na alam mo na hindi ka mahihirapan sa set,” papuri at kuwento ni Matti tungkol sa pagiging intelligent actress ni Alexa.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Tila proud girlfriend si Alexa Miro nang manumpa ang boyfriend niyang si Sandro Marcos sa ama nitong si President Ferdinand Marcos Jr. sa Malacañang kahapon, June 30, 2022.
PHOTO/S: Screen grab from Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results