Watch Now

Jaclyn Jose, inamin kung sino ang madalas nagpapaiyak sa kanya

by Jojo Gabinete
Jul 6, 2022
jaclyn jose tahan
Jaclyn Jose sa mga magulang na ginagawang puhunan ang mga anak: "I’m sorry to say this, pero hindi lang sa Pilipinas, sa buong mundo, ginagawang puhunan ang ating mga anak para sa ating magandang buhay — pageant, kung anu-anong reality [show] whatever, ipino-post yung mga bata. Younger age ito ha? So, parang prostitution na rin yun, di ba? That is so sad. Siguro sa kahirapan ng buhay.
PHOTO/S: Vivamax

Para sa Cannes-winning actress na si Jaclyn Jose, walang ipinagkaiba sa prostitusyon ang mga ina o magulang na ginagamit na puhunan ang kanilang mga anak para magkaroon maginhawa na pamumuhay.

Read: Jaclyn Jose wins Best Actress at Cannes for Ma' Rosa

Isang ina na ginawang puhunan ang kanyang anak para mamuhay nang komportable ang karakter ni Jaclyn sa pelikulang Tahan.

Ito umano ang pinakamalaking aral ng pelikula na pinangungunahan nila ni JC Santos at ng sexy star na si Cloe Barreto.

Pahayag ni Jaclyn, “Huwag nating gawing puhunan ang ating mga anak sa kabuhayan, sa kinabukasan. Hindi nila problema ang naging problema ng magulang.

“It is the responsibility of the mother or the parents to take care of their children, not the other way around, kasi bata pa ang mga ‘yan.

"Dapat ‘yan inaaruga mo pa. Inaalagaan mo pa at tinutulungan.

“But I’m sorry to say this, pero hindi lang sa Pilipinas, sa buong mundo, ginagawang puhunan ang ating mga anak para sa ating magandang buhay — pageant, kung anu-anong reality [show] whatever, ipino-post yung mga bata. Younger age ito ha?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“So, parang prostitution na rin yun, di ba? That is so sad. Siguro sa kahirapan ng buhay."

Patuloy niya, "Pero sana, through this movie, mabigyan natin ng lesson yung mga nanay na ito ang mangyayari sa anak mo kapag nagpatuloy ka na gawin ‘yan.

"Higit sa lahat, hindi sila ang kailangang maging puhunan o itulak sa kapahamakan para ka umangat.”

Nakausap ng entertainment press si Jaclyn sa digital media conference ng Tahan na naganap noong Martes ng tanghali, July 5, 2022.

WHAT MAKES JACLYN JOSE CRY?

Dahil sa pamagat ng kanyang bagong pelikula, itinanong namin kay Jaclyn kung kailan nito pinatahan ang sarili at ano ang dahilan ng huling pagkakataon ng pag-iyak niya.

Sagot niya, “Kapag nanay ka, hindi ka tumatahan. You cannot stop a mother to cry.

“Longing, missing my children. Missing Andi and my son.

"Kapag nanay ka, hindi ka tatahan. You just have to control and keep loving.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Yun ang nagpapaiyak sa akin, ang mga anak ko."

Dagdag ni Jaclyn, “Anak ang laging iniiyakan ko. Yung kanilang well-being, yung kanilang safety.

"Kahit malayo sila, may narinig ka, nasugatan ang apo, iiyakan mo ‘yan.

"May sakit ang anak, nasa malayong lugar, iiyakan mo ‘yan.

"It will always be a love of a mother to her children. 'Yan ang palaging iniiyakan ng isang nanay.

“Si Andi, nasa Siargao. And my son is studying in the U.S.

"So, ‘yan ang palaging, once in a while, umaatake sa 'yo.

"But sa trabaho, extended family ko ang co-workers ko, sa taping o sa movie. I always treat them as my family.

"So, yun naman ang nakakapag-divert ng lahat-lahat.

"So, happy rin, everything is well."

Kasalukuyang nasa Amerika si Jaclyn nang makapanayam ito ng entertainment press sa media conference ng Tahan dahil dinalaw niya ang kanyang anak na si Gwen na nag-aaral doon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ito ang unang beses na bumiyahe siya sa ibang bansa habang may pandemya.

Ani Jaclyn, “I get to see my son, spend time with him. Siguro naman, sa hinaba-haba ng tinrabaho ko sa buong buhay ko, deserve ko naman to take a little rest.

“But I will be coming home soon and I will be working again. Nobody can take that away from me, portraying a character.

“Habambuhay ko na ‘yang dadalhin, to portray a character. That is what I love most.

“Pag-uwi ko, work ulit. I’m excited to do an indie, a teleserye or whatever work that will make me happy and comfortable.”

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jaclyn Jose sa mga magulang na ginagawang puhunan ang mga anak: "I’m sorry to say this, pero hindi lang sa Pilipinas, sa buong mundo, ginagawang puhunan ang ating mga anak para sa ating magandang buhay — pageant, kung anu-anong reality [show] whatever, ipino-post yung mga bata. Younger age ito ha? So, parang prostitution na rin yun, di ba? That is so sad. Siguro sa kahirapan ng buhay.
PHOTO/S: Vivamax
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results