Watch Now

Sex worker Salome Salvi, umaasang ma-decriminalize ang sex work sa Pilipinas

by Jojo Gabinete
Jul 8, 2022
Salome Salvi, Rose Van Ginkel, Marco Gumabao
"I’m so overwhelmed! It’s really important that my work and yung humanity ng sex workers was represented fairly. And I feel, like, parang yun ang pinaka na-communicate ng film sa akin na, 'Yes, we are human,'" pahayag ng real-life sex worker na si Salome Salvi (left). Nagpasalamat siya sa Kitty K7 stars na sina Rose Van Ginkel at Marco Gallo (right) sa authentic portrayal nila bilang sex workers sa pelikula.
PHOTO/S: Viva Films Facebook

Ang buhay ng tunay na camgirl at sex worker na si Salome Salvi ang inspirasyon ng kuwento ng Kitty K7, kaya dumalo siya sa special screening ng pelikulang pinagbibidahan nina Rose Van Ginkel at Marco Gallo.

Naganap ito sa Gateway Cineplex sa Cubao, Quezon City, nitong Biyernes ng gabi, July 8, 2022.

Hindi isang ordinaryong sexy-drama movie ang Kitty K7. Bukod sa may puso ito, maayos at malinaw na nailahad ng direktor na si Joy Aquino ang malungkot na buhay ng isang camgirl, na mahusay na ginampanan ni Rose.

Nang matapos ang screening ng Kitty K7, ang opinyon ni Salome tungkol sa napanood nito ang inalam ng entertainment press.

Kabadong-kabado si Salome habang nagsasalita pero ipinamalas niya ang taglay na katalinuhan dahil sa kanyang mga pahayag.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pahayag niya, "I’m so overwhelmed!

"It’s really important that my work and yung humanity ng sex workers was represented fairly.

"And I feel, like, parang yun ang pinaka na-communicate ng film sa akin na, 'Yes, we are human.'

"We are putting out a commodity that is very wanted, like everyone wants sex, everyone wants to see sex. Everyone wants to make porn!

"Pero a lot of people really forget that it comes from a real person with emotions."

ON THE FILM STAYING TRUE TO HER STORY

Nagulat si Salome dahil nagawa ng scriptwriter na si Pamela Miras na ilagay nang buong-buo sa kuwento ng pelikula ang kanyang mga karanasan sa tunay na buhay bilang isang camgirl.

"I thought that it was important rin that it has shown the dangers that we face and yung illegal danger niya and the harassment that we face from our followers, fans, and the people that we meet on the street.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"And how badly stigmatized it is—that the stigma actually rips families like what it did for me.

"I was actually really surprised how much the details of my story made it to the film, especially the scene where I started exploring my sexuality with the photographer as well.

"And the way that parang naghiwalay kami ng nanay ko. Ganoon na ganoon.

"I don’t know how much of me I shared with Pam, but it was, like, yeah it is that painful.

"It’s so important to me that this film is out there and is telling everyone na meron kaming humanity that people often forget because they always feel that there’s a separation between the product that we put out versus us the workers."

ON "DECRIMINALIZATION OF SEX WORK"

Miyembro si Salome ng Philippine Sex Workers Collective, at ang decriminalization ng kanilang hanapbuhay ang isinusulong nila.

Aniya, "It’s really important to me that yun ang naging goal ng film, to push for the decriminalization of sex work that we’re pushing for talaga, especially the organization I’m in.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"I belong to the Philippine Sex Workers Collective and activist groups formed by sex workers. Yun talaga ang goal—decriminalization."

Nang tanungin tungkol sa mga pagganap na ipinamalas nina Rose at Marco sa Kitty K7, sabi ni Salome, "It was really moving.

"The performance of the two leads was really moving. It really touches your heart."

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"I’m so overwhelmed! It’s really important that my work and yung humanity ng sex workers was represented fairly. And I feel, like, parang yun ang pinaka na-communicate ng film sa akin na, 'Yes, we are human,'" pahayag ng real-life sex worker na si Salome Salvi (left). Nagpasalamat siya sa Kitty K7 stars na sina Rose Van Ginkel at Marco Gallo (right) sa authentic portrayal nila bilang sex workers sa pelikula.
PHOTO/S: Viva Films Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results