Ang reaksyon ng direktor na si Bobet Vidanes ang hinihintay tungkol sa isyu ng back-to-back airing ng It’s Showtime at Tropang LOL na magsisimula sa darating na Sabado, July 16, 2022.
READ: It's Showtime to air on TV5 back-to-back with Lunch Out Loud
Ang It's Showtime ay ang noontime show ng Kapamilya Channel, habang ang Tropang LOL o dating kilala bilang Lunch Out Loud ay blocktimer noontime show sa TV5.
May mga interesado na malaman ang opinyon ni Vidanes dahil siya ang creator at dating direktor ng It’s Showtime mula 2009 hanggang 2021 bago niya iniwanan ang programa para maging creative director ng LOL.
- Bobet Vidanes on final straw that made him leave It's Showtime: "Toxic na, e... Iba na ang patakbo."
- Bobet Vidanes no ill will with It's Showtime hosts: "Wala naman akong kaaway na artists."
May mga interesado na malaman ang opinyon ni Vidanes dahil siya ang creator at dating direktor ng It’s Showtime mula 2009 hanggang 2021 bago niya iniwanan ang programa para maging creative director ng LOL.
Nagtampo kay Vidanes ang ilang mga host ng It’s Showtime dahil sa paglipat niya sa katapat ng programa, pero malapit nang mapanood sa magkasunod na timeslot sa TV5, A2Z at Kapamilya Channel.
Isang tao na malapit kay Vidanes ang nagsabi sa Cabinet Files na walang problema sa dating direktor ang magaganap na "pagsasanib-puwersa" ng dalawang programa dahil magkakatulungan ang isa’t isa.
"Alam naman ni Direk Bobet na maganda na ang bawat isa ay magtulungan para maging matagumpay ang isang show kahit saan network ka nagtatrabaho," ang pahayag ng nakausap ng Cabinet Files.
Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong Mayo 30, 2022, sinabi naman ni Bobet na para sa kanya ay wala siyang tinuring na nakaaway na artists.
Idiniin niya na ang dahilan kung bakit hindi siya nagpaalam sa It's Showtime hosts nang lisanin niya ang show noong 2020 ay iniwasan niyang may sumama pa sa kanyang pag-alis.
Kaya raw ipinagkatiwala niya sa ABS-CBN management ang pagpaabot ng kanyang rason sa hosts ng show.
ALL SET FOR BACK-TO-BACK AIRING
May plano na magkaroon ng live broadcast ang Tropang LOL sa July 16, ang araw na mag-uumpisa ang back-to-back airing ng dating magkatapat na noontime programs ng TV5 at ng Kapamilya Channel at A2Z.
Mauuna na ipalabas ang Tropang LOL (11:00 a.m. to 12:45 p.m.) at susundan ito ng It’s Showtime, na inaasahan din ang live telecast sa July 16 dahil malapit nang bumalik si Vice Ganda sa Pilipinas mula sa U.S. tour nito.
Hindi puwedeng hindi mawala si Vice sa makasaysayan na araw ng pagsasama ng dalawang programa dahil isa siya sa mga haligi ng It's Showtime.