Watch Now

Rose Van Ginkel naitanong noon sa sarili, "Ano pa ba ang kulang? Ano pa ba yung mali?"

by Jojo Gabinete
Jul 10, 2022
Rose Van Ginkel, Kitty K7, Vivamax
Rose Van Ginkel: "Thirteen years old nang mag-start ako na member ng Pop Girls. Dati, parang ang dami kong iniisip. Kung mag-stop na ba ako or ano ba ang kulang sa akin? Parang every day lagi akong merong kailangan i-prove sa sarili ko..."
PHOTO/S: @babyginkel Instagram / Screengrab from Kitty K7

Kabadong-kabado si Rose Van Ginkel sa special screening ng Kitty K7 sa Gateway Cineplex noong Biyernes, July 8, 2022.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na pinanood niya ang sarili sa wide screen at sa isang sexy movie.

Isang araw bago ginanap ang preview ng Kitty K7, kinausap at tinanong ni Rose ang leading man na si Marco Gallo kung dadalo ito dahil baka hindi niya kayanin na panoorin ang mga eksena na ginawa nila.

"Pero pinanood ko na. Since first time ko talaga baka [makalma] ko na yung pakiramdam ko. Sobrang happy ako and thankful," pahayag ni Rose.

Pinuri at pinalakpakan ng mga dumalo sa special preview ang ipinamalas na pagganap ni Rose.

Walang mag-aakala na, tulad ng karakter na binigyang-buhay niya sa Kitty K7, naranasan ng 26-year-old sexy star na mawalan ng self-confidence at self-esteem noong miyembro pa siya ng Pop Girls.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang Pop Girls ay ang disbanded all-girl group nila nina Nadine Lustre at Jean Kiley.

"Thirteen years old nang mag-start ako na member ng Pop Girls. Dati, parang ang dami kong iniisip. Kung mag-stop na ba ako or ano ba ang kulang sa akin?

"Parang every day lagi akong merong kailangan i-prove sa sarili ko na, 'Ano pa ba ang kulang?'

"Dumating ako sa point na pumunta pa ako sa Viva office. Nasabi ko na talaga yung ganoong part sa buhay ko na, 'Ano pa ba ang kulang? Ano pa ba yung mali?'

"Hindi naman kasi most of the time na malakas yung loob natin. Na parang kapag ni-reject tayo, okay lang.

"Kapag sunud-sunod na, medyo mabigat talaga so naramdaman ko naman yung ganoong feeling sa buhay ko.

"I think, lahat naman tayo, nakaka-feel nang ganoon," ang ilan sa mga rebelasyon ni Rose.

UNDERSTANDING THE PLIGHT OF SEX WORKERS

Natagpuan niya ang puwang niya sa movie industry nang magdesisyon na tumanggap ng mga mapapangahas na karakter at eksena sa pelikula.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tanggap ni Rose na malaki ang naitulong sa kanya ng Kitty K7 para maipakita ang tunay na sarili.

Ipinagmamalaki niya ang Kitty K7 na halaw ang kuwento sa mga tunay na karanasan ng camgirl at sex worker na si Salome Salvi.

Suportado niya ang panawagan ng mga camgirl at sex worker [na may cameo appearance sa Kitty K7] na gawin na legal sa Pilipinas ang propesyon nila.

"Parang nailabas ko na ng 100%, especially sa movie na ’to. Alam ko na meron pang mailalabas, pero talagang ibinigay ko ang best ko sa Kitty K7.

"Gusto ko rin naman na ipaglaban yung mga work na katulad ng work ni Salome."

Postscript. Pusa ang paborito na alaga at K7 ang address ng tinitirhan ng karakter na ginampanan ni Rose sa Kitty K7 kaya ito ang pamagat ng pelikula at alter name na ginamit niya nang magtrabaho siya bilang camgirl.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Rose Van Ginkel: "Thirteen years old nang mag-start ako na member ng Pop Girls. Dati, parang ang dami kong iniisip. Kung mag-stop na ba ako or ano ba ang kulang sa akin? Parang every day lagi akong merong kailangan i-prove sa sarili ko..."
PHOTO/S: @babyginkel Instagram / Screengrab from Kitty K7
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results