Watch Now

Jaclyn Jose, naranasang sindakin ng sikat na sexy stars noon

by Jojo Gabinete
Jul 13, 2022
jaclyn jose
Jaclyn Jose (then and now) on her advice to newbie sexy stars: "Hindi ko naman sinasabi na parang maging ako sila. Ang sa akin lang, kapag sexy scenes, gawin mo na para wala nang Take 2. Kasi kapag Take 2, Take 3, lalo lang madadagdagan yung exposure. So, as much as possible, gawin mo na one take para isahan na lang. Ganoon yung ginagawa ko noong araw."
PHOTO/S: File / GMA Network

Naranasan ng multi-awarded actress na si Jaclyn Jose na sindakin ng mga sikat na sexy stars nang magsimula ang kanyang acting career noong 1984.

Ito ang dahilan kaya mabait siya sa mga baguhang artista.

“Noong panahon namin, kapag big star yung sexy stars, nananakot sila ng baguhan. Sisindakin ka talaga. They will look at you from head to toe.

"And we don’t like that kasi it happened to me.”

Pero hindi niya binanggit ang pangalan ng mga sexy star na nanindak noon sa kanya.

“Mabuti na lang, good things happened to me. Ang mga project ko, puro Lino Brocka, Ishmael Bernal, Chito Roño, so I was in good hands.

"Hindi ko sila pinapansin but I can tell na naninindak sila, e, hindi ko gagawin yun sa mga baguhan," saad ni Jaclyn sa naganap na digital media conference ng kanyang bagong pelikula, ang Tahan.

Hindi itinanggi ni Jaclyn na gumawa siya noon ng sexy films pero nakita agad ng publiko at ng mga mahuhusay na direktor na gaya nina Brocka, Bernal, at Roño ang kanyang potensiyal bilang mahusay na aktres.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kabilang sa sexy films na ginawa niya noon ay ang Private Show (1984), White Slavery (1985), Flesh Avenue (1986), Takaw Tukso (1986), at Itanong Mo Sa Buwan (1988).

Wala ring natatandaan si Jaclyn na insidenteng nagtaray siya sa mga baguhan dahil ayaw niyang maging hadlang sa pag-unlad ng ibang mga tao.

Saad niya, “I do not judge actors who cannot deliver well. I’ve been here [acting ] for so long. Alam ko kapag magtatagal ang artista.

“Hindi na ako ang magsasabi nun, ang tadhana na. You just have to be nice, help and let them deliver.

"Kasi kapag tatakutin mo, anong mangyayari? Take four, take five, take ten? That will not work.

“Lalo silang nenerbiyosin, lalong matatakot, lalong hindi makaka-deliver. Papaano kung may potensiyal, natakot lang kaya hindi naka-deliver?"

Dagdag ni Jaclyn, “Sa part ko, I wanna be positive as I can be kasi marami na tayong pinagdaanan. Alam natin na o dati ito ganito. Ngayon, star na.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“You just have to give them a chance. Huwag kang maging hindrance sa kanilang pagsikat o kung anuman ang puwede nilang puntahan.

“I am very welcoming to new actors because, sabi ko nga, I once was there. Nanggaling ako diyan sa simula, sa sexy films, sa pagiging bagong artista.

"At walang nag-block sa akin to go on so I’m giving back lang din naman what Tita Charito Solis had given me and all the senior, veteran actors before me.”

Nagbigay si Jaclyn ng mga payo sa newcomer sexy stars tungkol sa paggawa ng love scenes na napagdaanan din niya noong nagsimula ang kanyang acting career.

“Hindi ko naman sinasabi na parang maging ako sila. Ang sa akin lang, kapag sexy scenes, gawin mo na para wala nang Take 2.

"Kasi kapag Take 2, Take 3, lalo lang madadagdagan yung exposure.

"So, as much as possible, gawin mo na one take para isahan na lang. Ganoon yung ginagawa ko noong araw.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Para sa akin, ipapaulit lang ito, gawin ko na lang. Tutal kapag isahan, e, di one time na lang.

"'Yan lang ang lagi kong ina-advise sa paggawa ng sexy films, sexy scenes."

May ipinagkaiba ba ang paghuhubad na ginagawa niya noon sa mga pelikula sa paghuhubad na ginagawa ngayon ng mga baguhang sexy star?

Sagot ni Jaclyn, “Pareho lang ang mga paghuhubad noon at ngayon. Siguro meron silang gustong patunayan or hinihingi ng kuwento, hinihingi ng eksena, wala tayong magagawa dun.

“Ako, tumanggap ng sexy films before kapag sinabi kong I will accept. Magaganda rin naman ang mga kuwento at mga direktor, magde-deliver ka na.

“Hindi ka na aarte-arte. Hindi ka puwedeng umarte kina Bernal, Brocka. Baka masampal ka…”

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jaclyn Jose (then and now) on her advice to newbie sexy stars: "Hindi ko naman sinasabi na parang maging ako sila. Ang sa akin lang, kapag sexy scenes, gawin mo na para wala nang Take 2. Kasi kapag Take 2, Take 3, lalo lang madadagdagan yung exposure. So, as much as possible, gawin mo na one take para isahan na lang. Ganoon yung ginagawa ko noong araw."
PHOTO/S: File / GMA Network
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results