Watch Now

Alexa Miro, pinayuhang ihanda ang sarili dahil sa pagkakaugnay kay Sandro Marcos

by Jojo Gabinete
Jul 14, 2022
alexa miro
Erik Matti (not in photo) on what he told Virtul Playground artist Alexa Miro's (in photo) involvement with presidential son Sandro Marcos (not in photo): “When you go for it, make sure that you will be able to turn off all the noise that comes with it. Kasi siyempre, ganoon naman talaga, lahat nakaabang whatever gawin mo. May magrereklamo, may mag-a-agree."
PHOTO/S: Virtual Playground

Inamin ni Alexa Miro sa isang television interview na iniyakan nito ang mga natanggap na batikos dahil sa balitang may relasyon sila ng presidential son at ng Ilocos Norte First District House Representative na si Sandro Marcos.

Sinabi rin niyang matagal na ang pagiging magkaibigan nila ni Sandro at malapit lamang sila sa isa’t isa.

Read: Alexa Miro on real score with Sandro Marcos: “We’re just really close.”

Bago pa nagsalita si Alexa tungkol kay Sandro, nakausap na ng entertainment press si Erik Matti, ang direktor na nagbigay sa kanya ng malaking break sa A Girl and A Guy, ang pelikula ng Reality MM Studios na isa sa mga number one movie sa Netflix Philippines noong 2021.

Sinabi ni Matti na kasama niya ang kanyang kaibigan at business partner na si Dondon Monteverde nang kausapin nila si Alexa noong panahong binabatikos ang aktres dahil sa balitang siya ang rumored girlfriend ni Sandro.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Lahad ng direktor, “Nag-usap-usap kami nina Dondon at Alexa. [We told her], 'Follow what you want but also be ready with the consequences.

“'Hindi mo madidikta ‘yan na hindi ka mapansin, hindi ka kulitin, so you need to decide if you’re gonna go for it.

“'When you go for it, make sure that you will be able to turn off all the noise that comes with it.

"'Kasi siyempre, ganoon naman talaga, lahat nakaabang whatever gawin mo. May magrereklamo, may mag-a-agree.

"'Ngayon, kung ayaw mong mangyari yun sa sarili mo, then don’t go into that. Pero kung gusto mo naman pasukin, i-ready mo na ang sarili mo, di ba?'"

Nilinaw ni Matti na hindi sila nakikialam sa mga personal na buhay ng mga artista ng Virtual Playground, ang talent management arm ng Reality MM Studios, pero ginagabayan nila ang kanilang mga contract star.

Saad niya, “What these artists need, parang guidance, and we try to be, as matter of fact, as much as possible, guide them na hindi na sila matalisod sa industriya kasi puwedeng matalisod ka talaga sa industriyang ito, sira ka agad.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ibinahagi ni Matti sa mga kausap na entertainment writers ang mga magkakasunod na proyektong pinagkakaabalahan ni Alexa.

“After A Girl and A Guy, she finished probably four projects.

"The first one she did was an international movie, it was shot in Amsterdam with a foreigner leading man. They finished it late last year.

"And then she went on to do a Joey Reyes movie under Regal, and then she finished one with TBA Studios under Ato Bautista, she’s the lead in the film.

"And she’s busy with other things like hosting."

Si Alexa ay bahagi ng noontime show ng TV5 na Lunch Out Loud at kasama rin siya sa cast ng Hey Joe, ang pelikulang pinagbibidahan ni Arjo Atayde.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Erik Matti (not in photo) on what he told Virtul Playground artist Alexa Miro's (in photo) involvement with presidential son Sandro Marcos (not in photo): “When you go for it, make sure that you will be able to turn off all the noise that comes with it. Kasi siyempre, ganoon naman talaga, lahat nakaabang whatever gawin mo. May magrereklamo, may mag-a-agree."
PHOTO/S: Virtual Playground
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results