Watch Now

Sandro Marcos, itinangging may karelasyon siya ngayon: "I am single."

by Jojo Gabinete
Jul 14, 2022
sandro marcos alexa miro relationship
Itinanggi ni Sandro Marcos ang usap-usapang may karelasyon siya ngayon sa kabila ng pag-amin niya noon sa pribadong usapan nila ni Lani Mercado na may girlfriend siyang taga-Bacoor, Cavite. Nali-link ang presidential son sa aktres na si Alexa Miro.
PHOTO/S: Instagram / Virtual Playground

Matapos sabihin ni Alexa Miro sa isang television interview na close friend lamang niya si Ilocos Norte First District Representative Ferdinand Alexander “Sandro” Marcos, ang kanyang rumored boyfriend naman ang nagsalita na "single" o wala itong karelasyon.

Read: Alexa Miro on real score with Sandro Marcos: “We’re just really close.”

Ginawa ni Sandro ang paglilinaw tungkol sa love life niya sa exclusive interview sa kanya nina Dinah Ventura at Roy Pelovello ng Daily Tribune.

Napag-usapan ang pagkakaroon ni Sandro ng karelasyon nang sagutin niya ang tanong kung may plano na siyang bumuo ng sariling pamilya.

Natatawang sagot ng presidential son, “Absolutely not. Ang layo pa. No… no… I think wala, wala pa ‘yan sa isip ko.

“I just plan on… I guess, working harder in Congress but, you know, enjoying my youth while I can.”

Tanong pa sa kanya: "Are you seeing someone?"

Tugon ni Sandro: “Contrary to what people might believe, sa dami kong nakita sa social media, but actually, I am single.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Sa mga tao na nagti-TikTok diyan, don’t believe everything you see.

"Alam mo yung nangyari sa… karamihan sa mga kaibigan kong babae, ginawang item. Kung sinu-sino.

"And I mean, these are my closest friends ever since. I guess, that’s bound to happen so that’s okay for me."

Taliwas sa pahayag ni Sandro, iisa lamang ang consistent na inuugnay sa kanya. Ito ay walang iba kundi si Alexa.

Ang pahayag din niyang ito ay direktang pagkontra sa pag-uusap nila ni Bacoor City Representative Lani Mercado-Revilla na malinaw na napanood sa Facebook live ni Senator Bong Revilla Jr. nang magkita-kita sila sa inauguration ceremony para kay Vice-President Sara Duterte sa Davao City noong June 19, 2022.

“Yes po,” sagot ni Sandro nang itanong ni Lani kung taga-Bacoor ang kanyang girlfriend.

Kasunod nito ang pakiusap niya na, “Atin-atin lang ‘yan, ha?”

Read: Lani Mercado accidentally reveals Sandro Marcos's secret relationship; is it Alexa Miro?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dahil sa salitang binitawan ni Sandro na huwag basta paniniwalaan ang mga napapanood sa TikTok, parang sinabi na rin niyang huwag maniniwala sa viral video at seryoso na pag-uusap nila noon ni Lani.

Marami sa mga tagahanga ni Sandro ang nasaktan sa balitang may relasyon sila ni Alexa, na naging biktima naman ng online bashing.

May reaksiyon si Sandro tungkol sa isyu.

Pahayag niya, “I don’t know what to say to that. I don’t even know if it comes with the territory being son of the president.

"I don’t know if nangyari ba ito kay Baste... actually, it did. I remember, it did."

Ang tinutukoy na "Baste" ni Sandro ay si Baste Duterte, anak ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, na naugnay noon sa sexy star na si Ellen Adarna.

Read: Ellen Adarna reveals "final straw" in breakup with Baste Duterte

Pagpapatuloy ni Sandro sa panayam ng Daily Tribune, “Stuff like that is not important. I always like to remind people, please, hindi ako artista. Please.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“I am a public servant. I’m here to make sure that Ilocos Norte, lalo na yung first district, gets everything that they need and develop in the way that we needed to develop.

“I‘ve never been… ang dami kong kaibigan na nasa showbiz but I’ve never been... want to associate myself with being an artista or being like that, and I hope people understand that.

“I understand that it’s part of it but I guess having that following on social media... but no matter what, hindi ako magiging artista.

“And it’s just that… no disrespect to the profession, but I can’t act, I can’t sing.

"I’m not talented in that respect. I’d rather stick to what I think I’m better at it."

Read: Alexa Miro, spotted sa oath taking ng rumored boyfriend na si Sandro Marcos sa Malacañang

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Itinanggi ni Sandro Marcos ang usap-usapang may karelasyon siya ngayon sa kabila ng pag-amin niya noon sa pribadong usapan nila ni Lani Mercado na may girlfriend siyang taga-Bacoor, Cavite. Nali-link ang presidential son sa aktres na si Alexa Miro.
PHOTO/S: Instagram / Virtual Playground
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results