Kumalat noong Biyernes ng gabi, July 15, 2022, ang balitang nag-resign diumano si Alex Gonzaga bilang co-host ng Tropang LOL (Lunch Out Loud).
Dahil dito, nagkaroon ng mga espekulasyong baka lumipat siya sa noontime show na binubuo ng AMBS, ang TV network ni former Senate President Manny Villar.
Read: Willie Revillame: "AMBS will be on air by September."
Walang katotohanan ang balita dahil kasama si Alex sa live broadcast ng Tropang LOL noong Sabado, July 16, sa bagong timeslot na 11:00 a.m. hanggang 12:45 p.m. sa A2Z, Kapamilya Channel, at TV5.
Back-to-back ang Tropang LOL at ang It’s Showtime na matutunghayan naman ng televiewers mula 12:45 p.m. hanggang 3 p.m.
Read: Pilot telecast ng It's Showtime sa TV5, nag-trending
Ngayong Lunes, July 18, live telecast din ang Tropang LOL at naririto pa rin si Alex, isang matibay na ebidensiyang hindi totoo ang balitang iiwanan na niya ang nabanggit na noontime variety show.
Incidentally, si Arci Muñoz ang celebrity guest sa "Maritest" segment ng Tropang LOL nitong Lunes ng tanghali.
Ang katauhan ng lead singer ng Callalily na iniwanan ang band dahil magsosolo na ang isa sa mga itinanong sa kanya.
Ang pangalan ni Kean Cipriano ang tumpak na kasagutan kaya tinukso sina Arci at Alex ng mga host ng Tropang LOL dahil pareho silang nagkaroon noon ng kaugnayan sa dating lead singer ng Callalily.
Nagsalita si Alex na nagde-deny siya noon at si Arci lamang ang amin nang amin.
Biniro si Alex ng kanyang mga co-host na namula ang mukha niya dahil sa tanong na may kinalaman kay Kean.
Reaksiyon ni Alex, "Kilalang-kilala ni Arci ‘yan. Hindi na niya kailangan ng Chikalalay."
Sagot naman ni Arci, "Kilala mo ito. Para sa 'yo ‘to, ‘Lex."
Sa huli ay sinabi rin ni Arci ang pangalan ni Kean.