Kyline Alcantara, "my boyfriend" na ang pakilala kay Mavy Legaspi

by Jojo Gabinete
Jul 19, 2022
kyline alcantara mavy legaspi
Sinundan ni Mavy Legaspi ang girlfriend na si Kyline Alcantara sa South Korea, kung saan nagkaroon ng familiarization tour ang Kapuso actress bilang Filipino celebrity ambassador ng Korea Tourism Organization.
PHOTO/S: Instagram

Si Kyline Alcantara ang Filipino celebrity ambassador ng Korea Tourism Organization (KTO).

Bahagi ng kanyang mga obligasyon ang pagbisita sa South Korea noong nakaraang linggo para sa familiarization tour.

Nagkaroon din si Kyline ng pictorial sa mga tourist site na may kinalaman sa mga kilalang Korean drama series at sa sikat na boyband na BTS.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Lalong napatunayan ang pagmamahal kay Kyline ng kanyang boyfriend na si Mavy Legaspi dahil sumunod ito sa South Korea para makapiling siya.

“My boyfriend” ang pakilala ni Kyline kay Mavy sa mga nakakita sa kanila.

Pero hindi naglabas ang Kapuso actress sa kanyang social media accounts ng mga larawang magkasama sila ng kanyang boyfriend.

Ang pagdalaw nina Kyline at Mavy sa Namsan Tower ang isa sa mga hindi nila makalilimutang karanasan sa Seoul.

Popular date spot sa mga nagmamahalan ang Namsam Tower dahil dito matatagpuan ang railing o ang lugar na pinaglalagyan ng love locks ng mga magkakarelasyon.

Ang love locks ang simbolong panghabambuhay na pagmamahalan ng dalawang tao.

Ang paglalagay ng love locks ang ginawa nina Kyline at Mavy, na in love na in love sa young actress, nang magpunta sila sa Namsam Tower.

May mga larawan sina Mavy at Kyline sa love locks ng Namsam Tower na hindi pa ibinabahagi sa kanilang mga tagahanga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tiyak na matutuwa ang kanilang fans dahil kumpirmadong may relasyon sa tunay na buhay ang love team ng GMA-7 na hinahangaan at sinusuportahan nila.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sinundan ni Mavy Legaspi ang girlfriend na si Kyline Alcantara sa South Korea, kung saan nagkaroon ng familiarization tour ang Kapuso actress bilang Filipino celebrity ambassador ng Korea Tourism Organization.
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results