Watch Now

Tropang LOL, tumaas ang rating sa bago nitong timeslot

by Jojo Gabinete
Jul 20, 2022
tropang lol hosts
Tropang LOL hosts and staff celebrate the show's improved ratings on its new timeslot.
PHOTO/S: Tropang LOL Facebook

Nagbubunyi ang mga host at production staff ng Tropang LOL (Lunch Out Loud) dahil malaki ang itinaas ng ratings ng kanilang programa mula nang mapanood ito nang live noong Sabado, July 16, 2022, sa TV5, Kapamilya Channel, at A2Z sa bagong timeslot na 11:00 a.m. hanggang 12:45 p.m.

Ikinatutuwa ng mga bumubuo ng Tropang LOL na natatapos sa eksaktong oras ang kanilang noontime show kaya wastong oras din ang pagsisimula ng back-to-back program nila, ang It’s Showtime.

Read: Pilot telecast ng It's Showtime sa TV5, nag-trending

Ipinagmamalaki rin ng Tropang LOL ang mga malalakas na segment ng television show nila tulad ng "Maritest" at "Dance Entertainment."

Diumano, may mga bagong segment na nakaabang pero hindi pa ilalabas dahil popular pa rin sa manonood ang "Maritest" at ang ibang mga bahagi ng Tropang LOL.

Ang pagkakaroon ng "super guest host" na ipakikilala sa darating na Biyernes, July 22, ang teaser plug na paulit-ulit na ipinakita ng TV5 ngayong Miyerkules, July 20.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero walang ibinigay na clue ang mga host ng Tropang LOL.

Si Matteo Guidicelli ang special guest host sa live telecast ng Tropang LOL nitong Miyerkules dahil wala si Billy Crawford na nakatakdang lumipad sa France.

matteo guidicelli tropang lol

Nagbiro si Matteo na siya ang pansamantalang pumalit kay Billy dahil may "gout" ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero pinaglaruan siya ng Tropang LOL host na si Bayani Agbayani nang magbiro ito ng Sabi ni Matteo, wala raw siyang gout pero may doubt yung biyenan niya sa kanya.”

Natawa lang si Matteo sa narinig na biro dahil tila nasanay na siya sa mga "biyenan joke" ni Bayani nang magkasama sila bilang judge detectives ng reality talent search show na Masked Singer Pilipinas na dating napapanood din sa Kapatid Network.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Tropang LOL hosts and staff celebrate the show's improved ratings on its new timeslot.
PHOTO/S: Tropang LOL Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results