AJ Raval nagpositibo... sa COVID-19; muling itinangging buntis siya

by Jojo Gabinete
Jul 20, 2022
aj raval
Totoong nag-positive si AJ Raval... pero hindi umano sa pregnancy test kundi sa COVID-19. Ito ay ayon mismo sa sexy star sa ipinadala niyang mensahe sa Frontline Pilipinas ng TV5.
PHOTO/S: AJ Raval Facebook

For the nth time, pinabulaanan ng sexy star na si AJ Raval na buntis siya sa magiging anak nila ni Aljur Abrenica.

Read: Balitang buntis si AJ Raval, confirmed nga ba? Shooting ng Us X Her, na-pack up dahil kay AJ?

Itinanggi ni AJ ang balita sa pamamagitan ng text message na ipinadala niya sa entertainment reporter na si MJ Marfori at ipinalabas sa Frontline Pilipinas, ang primetime news program ng TV5 ngayong Miyerkules, July 20, 2022.

Bukod sa denial na buntis siya, sinabi ni AJ na nagpositibo ito sa COVID-19.

Hindi raw totoong nawalan siya ng proyekto dahil sa balita tungkol sa diumano’y pagdadalantao niya.

Reportedly, nagpositibo rin sa COVID-19 ang isang artistang kasama ni AJ sa pelikula.

Ilang buwan na ang tsismis na buntis si AJ pero pinaninindigan nitong walang katotohanan ang isyu.

Muling nabuhay ang isyung butins umano si AJ dahil sa "kumpirmasyon" ng veteran entertainment writer na si Cristy Fermin kahapon, July 19.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Totoo po na nagdadalang-tao si AJ Raval,” ang walang question mark na pahayag ni Fermin sa kanyang YouTube show, ang Showbiz Now Na.

“Yung paninindigan tungkol sa pagkakaanak, alam ko, lalaking-lalaki si Aljur. Kaya niya ‘yan. Pananagutan niya ang kanilang produkto ni AJ.

“Umamin si AJ sa ating source, umamin na nagdadalang-tao siya.”

Hamon pa ni Cristy kay AJ: “Kung hindi ka talaga buntis, magpainterbyu ka nang live. Yung makikita namin talaga yung tiyan mo na flat.

“Pagtanaw ng utang na loob yun sa mga sumuporta sa mga unang proyekto niya.

"Kumbaga, yung tinatawag nating sukli, ibinabalik dapat ng artista yun, kasi namuhunan ng suporta ang publiko."

Naniniwala si Cristy na mga lumang litrato ang inilalabas ni AJ sa social media para pagtakpan ang tunay na kalagayan nito.

Noong July 2, 2022, naglabas ng report ang PEP tungkol sa pagtanggi ng isang malapit kay AJ na buntis ito.

Sinabi niya na ilalabas ni AJ sa YouTube channel nito ang video na magpapatunay na hindi siya buntis at hanggang ngayon, ito ang hinihintay ng kanyang mga tagahanga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: AJ Raval papabulaanan ang tsismis na buntis siya

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Totoong nag-positive si AJ Raval... pero hindi umano sa pregnancy test kundi sa COVID-19. Ito ay ayon mismo sa sexy star sa ipinadala niyang mensahe sa Frontline Pilipinas ng TV5.
PHOTO/S: AJ Raval Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results