Mga magulang ni AJ Raval, may reaksiyon sa balitang buntis ang sexy star

by Jojo Gabinete
Jul 21, 2022
aj raval parents
Ano kaya ang reaksiyon ng mga magulang AJ Raval (gitna) na sina Jeric Raval (kaliwa) at Alyssa Alvarez (kanan) sa di mamatay-matay na isyung buntis umano ang kanilang anak?
PHOTO/S: Facebook / Instagram / TikTok

Mainit pa ring pinag-uusapan ang balita tungkol sa pagbubuntis ni AJ Raval sa magiging panganay na anak nila ni Aljur Abrenica, sa kabila ng paulit-ulit na pagtanggi ng sexy actress.

Read: Balitang buntis si AJ Raval, confirmed nga ba? Shooting ng Us X Her, na-pack up dahil kay AJ?

Read: AJ Raval nagpositibo... sa COVID-19; muling itinangging buntis siya

Ang ama ni AJ na si Jeric Raval ang isa sa mga celebrity player ng "Pera Usog" segment ng Tropang LOL nitong Huwebes ng tanghali, July 21, 2022.

Ang guest host na si Matteo Guidicelli ang nagtanong sa action star tungkol sa anak niya.

Tanong ni Matteo: “I have a daughter, may mga tsismis, how do you push it aside kasi focus ka lang sa trabaho mo?”

Ayon kay Jeric, hindi nito pinapansin ang mga intriga dahil nagbibigay lamang ito ng stress.

“Well, gaya noong bago-bago akong nag-aartista, pag ganoong mga intriga, pasok lang dito, labas doon," sabay turo sa kanyang tenga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Kasi kasama ‘yan sa pag-aartista. Sa showbiz, kasama ‘yan.

“Kung hindi ka handa diyan, hindi para sa 'yo itong trabaho na ‘to.”

Sanay na sanay na si Jeric sa kalakaran sa showbiz kaya parang hindi na siya apektado ng balita tungkol sa pagbubuntis ng kanyang anak.

Tila may kinalaman din sa isyung kinasasangkutan ni AJ ang cryptic post sa Facebook ng kanyang ina, ang former sexy star na si Alyssa Alvarez.

Read: AJ Raval's mother defends sexy actress' blooming relationship with Aljur Abrenica

"Mabuhay po tayo ng mapayapa na walang pakialam sa buhay ng iba," makahulugang post ni Alyssa.

Popular search ngayon sa Facebook ang pangalan ni Alyssa kaya hindi nagkamali ang kanyang akalang pagtutuunan siya ng panahon ng netizens dahil sa balitang buntis ang anak nila ni Jeric.

“Linisin ko muna itong FB ko, mukhang bibisitahin na naman ng mga Marites, palit dp. Kelangan maganda ako.

“Tapos Iinglisin ko na mga post ko. Wait nga. Open ko na rin ang messenger ko para maaway n’yo ko kase baka di naman makatulog mga taong ‘to,” may sarcasm o panunuya na Facebook post ng biological mother ni AJ.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ano kaya ang reaksiyon ng mga magulang AJ Raval (gitna) na sina Jeric Raval (kaliwa) at Alyssa Alvarez (kanan) sa di mamatay-matay na isyung buntis umano ang kanilang anak?
PHOTO/S: Facebook / Instagram / TikTok
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results