Beks Battalion: Puwedeng mag-away, pero bawal maghiwalay

by Jojo Gabinete
Jul 23, 2022
Beks Battalion
Beki Battalion members na sina (from left) Chad Kinis, Lassy Marquez, at MC Calaquian, aminadong nagkakagalit pero hindi raw sila humahantong sa tuluyang pagbuwag ng grupo.
PHOTO/S: PR Photo

Normal sa Beks Battalion members na sina MC Calaquian, Lassy Marquez, at Chad Kinis ang pagkakaroon ng mga tampuhan at hindi pagkakaunawaan, pero hindi nila hinahayaan na humantong ito sa pagkabuwag ng grupo at pagkasira ng kanilang pagkakaibigan.

“Walang dumating sa punto na maghihiwa-hiwalay pero nagkakagalit-galit kami kasi iba-iba ang utak namin, iba-iba ang moods namin.

"Hindi naman bawat gising namin e good mood kami. Nagkakagalit talaga kami,” ang pahayag ni MC sa media conference ng Beks 2 Beks 2 Beks, ang concert ng Beks Battalion na itatanghal sa New Frontier Theater sa August 26.

Si Chad ang nagkuwento na matatag ang samahan nila nina MC at Lassy dahil sa rule o tuntunin na kanilang sinusunod—ang puwede silang mag-away pero bawal maghiwalay.

“Nag-aaway kami, kung may pagtatalo kami, sasabihin lang namin o pahinga muna tayo,” ang sabi ni Chad na ginamit na halimbawa ang pag-aaway nila noon ni MC na tumagal ng tatlong araw.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Nagkagalit kami, binlock niya ako sa Facebook, sa Instagram, sa telepono, lahat para hindi ko siya makontak.

“E, siyempre, alam ko naman ang number niya, bumili ako ng ibang SIM card. Dun ko siya tinext, sabi ko, 'Kuya, sorry na.'

“'Tapos ang pagkakamali niya, ako yung naiwan sa bahay ng Beks Battalion. Siya, sa condo. E, nandoon kaming lahat, so ang saya-saya namin.

“Siya mag-isa lang, so wala siyang nagawa, umuwi pero sa pinto pa lang, nag-iyakan na kami.

"Laging ganoon, parang once in a blue moon, meron talaga kami [tampuhan]. Hindi maiiwasan yan kasi parang pamilya naman.

“Kami, kapag nag-usap kami, no holds barred. Hindi na kailangan ng sugar coating para malaman ang katotohanan.”

Ibinida ng Beks Battalion na mga bago ang idea na mapapanood sa kanilang comedy show sa New Frontier Theater sa August 26 dahil pinaghandaan nila nang husto ang Beks 2 Beks 2 Beks.

“Pinaghandaan po talaga namin. Kahit naman noong pandemic, meron kaming mga hindi nailalabas even though nagba-vlog kami araw-araw.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“As time goes by kasi, may naiisip kami na bago 'tapos ibabangko lang namin and at the right moment, ilalabas namin,” paliwanag ni Chad tungkol sa pagkakaiba ng comedy na ipakikita nila sa Beks 2 Beks 2 Beks at sa mga content na napapanood sa kanilang YouTube channel.

Para sa kaligtasan laban sa COVID-19 ng lahat ng mga manonood ng Beks 2 Beks 2 Beks, naglabas ng mga sumusunod na regulasyon ang management ng New Frontier Theater.

*Only fully vaccinated individuals will be allowed (5 yrs. old & above).

* Must present vaccination card together with any valid ID (with picture)/government issued id (with picture).

* Minors must be accompanied by a fully-vaccinated adult/guardian.

* Use of face mask inside the arena is required.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Beki Battalion members na sina (from left) Chad Kinis, Lassy Marquez, at MC Calaquian, aminadong nagkakagalit pero hindi raw sila humahantong sa tuluyang pagbuwag ng grupo.
PHOTO/S: PR Photo
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results