Caloy Alde, massive heart attack ang ikinamatay

by Jojo Gabinete
Jul 25, 2022
Comedian Caloy Alde, who was known for his character as Ogag, passed away on July 22, 2022 due to massive heart ttack.
PHOTO/S: Screen grab from Wish Ko Lang

Massive heart attack ang ikinamatay ng comedian na si Carlos “Caloy” Alde sa edad na 60.

Binawian siya ng buhay noong Sabado, July 22, 2022, ayon sa kanyang asawa na si Rhoda Porrel-Alde.

Read: Comedian Caloy "Ogag" Alde dead at 60

“He had a massive heart attack last July 22.

"We rushed him to the hospital kaya lang wala na. They tried to revive him sa hospital pero talagang wala nang electric impulse ang heart niya.

“Two years ago, na-diagnose siya ng congestive heart failure at chronic kidney disease. He has been taking maintenance medicines since then,” kuwento ni Rhoda, isang nurse, sa Cabinet Files tungkol sa karamdaman at pagpanaw ni Caloy.

Ibuburol ang mga labi ni Caloy sa St. Peter Chapels sa Tandang Sora, Commonwealth, Quezon City.

Ililibing siya sa Holy Cross Memorial Park sa Novaliches, Quezon City.

“Sa ngayon, nasa St. Peter na ang katawan niya pero wala pa sa chapel. Inaantay pa kasi namin ang death certificate niya from the hospital,” pahayag ni Rhoda.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bukod sa kanyang asawa, naulila ng komedyante, na nagpasikat sa karakter na Ogag, ang nag-iisang anak nila na si Julian Marley.

caloy alde family

Caloy Alde with wife Rhoda and son Julian Marley

“Ang anak namin ni Caloy just turned 20 last July 23, a day after Caloy’s passing.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Si Caloy naman, birthday niya this coming Thursday, July 28.

“Ang last TV guesting ni Caloy ay Ang Probinsyano at ang Mang Kepweng ni Vhong Navarro ang huling pelikula na ginawa niya,” dagdag na impormasyon ni Rhoda tungkol sa kanyang namayapang asawa.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Comedian Caloy Alde, who was known for his character as Ogag, passed away on July 22, 2022 due to massive heart ttack.
PHOTO/S: Screen grab from Wish Ko Lang
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results