Muling ibinalik ng It’s Showtime ang "Miss Q&A," ang contest nila para sa transgender women.
Ito ang inilunsad ng noontime program ng Kapamilya Channel, A2Z, at TV5 nitong Lunes, July 25, 2022.
"Miss Q & A: Kween of Multibeks" ang pangalan ng bagong edisyon ng contest na naging instrumento kaya nagkaroon ng showbiz career si Juliana Parizcova Segovia.
Si Juliana ang kauna-unahang winner ng "Miss Q&A" noong June 2018 at hindi nakalimutan ni Vice Ganda na banggitin ang kanyang pangalan sa live broadcast ng It’s Showtime na napanood sa bagong studio nito sa ABS-CBN ngayong Lunes.
Read: Juliana Parizcova Segovia responds to Vice Ganda's "blind item" about a troll
Hindi lamang ang bagong studio at ang pagbabalik ng "Miss Q&A" ang ipinagmalaki ng mga host ng It’s Showtime dahil may studio audience na sila na pawang mga nakasuot ng face masks.
Matagal na panahong hindi tumanggap ng studio audience ang management ng ABS-CBN at It’s Showtime bilang pag-iingat sa banta ng coronavirus.
Naunahan ng It’s Showtime ang katapat na programa nito, ang Eat Bulaga! dahil hindi pa ito nagpapapasok ng audience sa studio nila sa Cainta, Rizal.
Bukod sa live studio audience, gumagamit na ng emojis at firework icons ang It’s Showtime na makikita sa television screen at naghahatid ng aliw sa televiewers.
Ang bagong studio, ang studio audience, at ang paggamit ng emojis ang ilan sa mga ebolusyon na nangyari sa It’s Showtime, na tumaas din ang rating dahil sa back-to-back airing nila ng Tropang LOL na nagsimula noong July 16.
Nakatulong ang pagsasanib-puwersa ng It’s Showtime at ng Tropang LOL dahil parehong nakinabang ang mga nabanggit na noontime program.
Read: Vice Ganda "pasimuno" of It’s Showtime going overtime wisecracks: "That’s very unprofessional.”