Watch Now

Ai-Ai delas Alas, hindi na-shock sa paghaharap nina Mayor Joy Belmonte at Darryl Yap

by Jojo Gabinete
Jul 26, 2022
ai-ai delas alas joy belmonte darryl yap
Ai-Ai delas Alas on courtesy call of controversial director Darryl Yap to Quezon City Mayor Joy Belmonte: "Sa 32 years ko sa entertainment industry, nakita ko na ang lahat. Mangyayari pa lang, na-predict ko na. Nothing shocks me anymore."
PHOTO/S: YouTube / Facebook

Hindi isyu kay Ai-Ai delas Alas ang courtesy call ng direktor na si Darryl Yap kay Quezon City Mayor Joy Belmonte na naganap sa opisina ng alkalde sa Quezon City Hall nitong Martes ng umaga, July 26, 2022.

Read: Mayor Joy Belmonte at Darryl Yap, maghaharap sa Quezon City Hall

“Sa 32 years ko sa entertainment industry, nakita ko na ang lahat. Mangyayari pa lang, na-predict ko na. Nothing shocks me anymore.

"Ang importante, nagkakaintindihan kami ni Direk Darryl," reaksiyon ni Ai-Ai nang makausap siya ng Cabinet Files ngayong hapon.

Dagdag niya, “Saka maraming magaganda ang nangyayari ngayon sa buhay ko kaya dedma na lang.”

Kasama ni Ai-Ai si Yap na idineklarang persona non grata ng Quezon City Council noong nakaraang buwan.

Ito ay dahil akusasyon ng former QC councilor na si Ivy Lagman na nilapastangan nila ang official seal ng lungsod sa campaign video na kanilang ginawa para kay Mike Defensor, ang kalaban ni Belmonte sa mayoral race noong May 9, 2022.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Quezon City Council approves resolution declaring Ai-Ai delas Alas, Darryl Yap persona non grata

Nagsadya si Yap sa opisina ni Mayor Belmonte para personal itong imbitahan sa red-carpet premiere ng Maid in Malacañang na mangyayari sa SM The Block Cinema sa darating na Biyernes, July 29.

Sa “official photo” na lumabas, si Belmonte at hindi na si Ai-Ai ang kasama ni Yap nang magpakuha ito ng larawan sa tabi ng official triangular seal ng Quezon City. Tila sinadya ito at isang pahiwatig na nagkaayos na sila kaya hindi na persona non grata sa nabanggit na lungsod ang 35-year-old director.

Iginiit ni Lagman sa isang interbyu na walang kinalaman si Belmonte sa resolusyong ipinasa ng konseho na nagdedeklara kina Ai-Ai at Yap bilang mga persona non grata o hindi welcome ang dalawa sa Quezon City.

Hindi pa naglalabas ng pahayag si Lagman tungkol sa pagtatagpo nina Yap at Belmonte, pero ang alkalde ang humiling na magkita sila ng kontrobersiyal na direktor para mapag-usapan nila ang mga paghahandang gagawin sa idaraos na red-carpet premiere ng Maid in Malacañang sa mall na nasasakupan ng Quezon City.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ai-Ai delas Alas on courtesy call of controversial director Darryl Yap to Quezon City Mayor Joy Belmonte: "Sa 32 years ko sa entertainment industry, nakita ko na ang lahat. Mangyayari pa lang, na-predict ko na. Nothing shocks me anymore."
PHOTO/S: YouTube / Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results