Watch Now

Direk McArthur Alejandre, naniniwala sa kakayahan ni Angeli Khang bilang aktres

by Jojo Gabinete
Jul 26, 2022
mcarthur alejandre angeli khang
Direk McArthur Alejandre on Angeli Khang: "Mas aware na si Angeli sa kakayahan niya. Mas aware siya sa craft niya. Mas bukas ang puso niya ngayon, lalo na sensitive siya sa paligid niya, sa mga tao, sa mga ginagawa niya, in connection with craft. So, dahil dun, makikita mo na ang pagganap niya, e, patuloy na lumalawig."
PHOTO/S: Instagram / Vivamax

Napili ang Silip sa Apoy para lumaban sa isang film festival sa Europe, pero hindi pa puwedeng sabihin ang pangalan ng international film festival.

Ang Silip sa Apoy ang erotic-drama movie na pinagbibidahan nina Angeli Khang, Paolo Gumabao, at Sid Lucero na nag-umpisang ipalabas sa streaming site na Vivamax noong January 28, 2022.

Si McArthur Alejandre ang direktor ng Silip sa Apoy, samantalang ang National Artist for Film and Broadcast Arts na si Ricky Lee ang sumulat ng kuwento ng pelikulang nakapasa sa panlasa ng mga namamahala ng European film festival.

Read: Silip Sa Apoy ni Angeli Khang, kinabog ang record ng Hugas ni AJ Raval sa Vivamax

Tuwang-tuwa si Alejandre nang makarating sa kanya ang magandang balita kaya binati niya ang mga artista ng Silip sa Apoy.

Pinuri ng mga film critic ang pagganap ni Angeli sa pelikula.

Hindi naman ito ikinagulat ni Alejandre dahil alam nito ang kakayahan sa pag-arte ng baguhang sexy star na muli niyang nakatrabaho sa Vivamax original series na Wag Mong Agawin ang Akin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nang tanungin tungkol sa improvement ni Angeli bilang aktres, nagsalita si Alejandre na mananatili siyang bias sa lead star ng kanyang pelikula.

Pahayag ng direktor, “I would say na hindi siya sa laki ng na-improve o hindi kasi hindi ako ganoon sumukat.

“Ang sasabihin ko is that mas aware na si Angeli sa kakayahan niya. Mas aware siya sa craft niya.

"Mas bukas ang puso niya ngayon, lalo na sensitive siya sa paligid niya, sa mga tao, sa mga ginagawa niya, in connection with craft.

“So, dahil dun, makikita mo na ang pagganap niya, e, patuloy na lumalawig. I will not say malaki ang improvement o maliit ang improvement.

"Ang mahalaga, naisasapuso niya ang ginagawa niya. Mas masusi ang kanyang pag-aaral sa mga karakter na ipino-portray niya at damang-dama ko ang sipag niya at pagmamahal sa trabaho niya.

“Lagi kong sinasabi na ang tiwala na ibinigay niya sa akin [sa Silip sa Apoy], e, kailanman ay hindi ko malilimutan,” papuri ni Alejandre kay Angeli.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Masayang-masaya rin si Alejandre dahil sa kauna-unahang pagkakataon, nagkaroon siya ng pelikulang kalahok sa isang international film festival.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Direk McArthur Alejandre on Angeli Khang: "Mas aware na si Angeli sa kakayahan niya. Mas aware siya sa craft niya. Mas bukas ang puso niya ngayon, lalo na sensitive siya sa paligid niya, sa mga tao, sa mga ginagawa niya, in connection with craft. So, dahil dun, makikita mo na ang pagganap niya, e, patuloy na lumalawig."
PHOTO/S: Instagram / Vivamax
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results