Watch Now

Diego Castro, "Lolo Pogi" ang gustong itawag sa kanya ng anak nina Raffa Castro at Joaquin Domagoso

by Jojo Gabinete
Jul 27, 2022
diego castro joaquin raffa
Diego Castro on being a grandfather to daughter Raffa and Joaquin Domagoso's son: "I am a very proud lolo and I am really happy for JD and Raffa. Now I know how my parents felt when they held my children in their arms, an overwhelming feeling of love kaya pala grandparents tend to spoil their apos."
PHOTO/S: Courtesy of Diego Castro

"Lolo Pogi" ang gustong itawag ng actor-turned-news anchor na si Diego Castro sa kanya ni Scott Angelo Domagoso, ang bunga ng pagmamahalan ng young actor na si Joaquin Domagoso at ni Raffa Castro.

Read: Joaquin Domagoso, may two-month-old son na sa kapatid ni Claire Castro

Si Raffa ay anak ni Diego.

Si Joaquin ay anak naman ni former Manila City Mayor Isko Moreno.

Sa kauna-unahang pagkakataon, nagsalita si Diego sa Cabinet Files tungkol sa pagkakaroon niya ng apo kay Raffa.

Pahayag niya, “I am a very proud lolo and I am really happy for JD and Raffa.

“Now I know how my parents felt when they held my children in their arms, an overwhelming feeling of love kaya pala grandparents tend to spoil their apos.

“I will always be here to support Raffa, JD, and my grandson,”

Si Diego ay anak ng mga namayapang TV personalities na sina Angelo Castro at June Keithley.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Isinilang ni Raffa ang anak nila ni JD sa FEU Medical Center, Quezon City noong April 28, 2022.

Si Isko ang unang nagpaunlak na magsalita tungkol sa pagkakaroon niya ng apo sa panayam sa kanya ng Modern Parenting.

Tulad ni Diego, ipinagmamalaki ni Isko ang pagiging lolo at masaya siya para kay Joaquin dahil itinuturing niya na isang biyaya ang pagdating ni Scott sa kanilang buhay.

Read: Isko Moreno admits to being a lolo to son Joaquin Domagoso's child: “Ang pogi ng apo ko.”

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Diego Castro on being a grandfather to daughter Raffa and Joaquin Domagoso's son: "I am a very proud lolo and I am really happy for JD and Raffa. Now I know how my parents felt when they held my children in their arms, an overwhelming feeling of love kaya pala grandparents tend to spoil their apos."
PHOTO/S: Courtesy of Diego Castro
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results