Derrick Monasterio at Elle Villanueva, may tsika tungkol sa love scenes nila sa isla

by Jojo Gabinete
Jul 27, 2022
Derrick Monasterio, Elle Villanueva, Return To Paradise
Showbiz newbie Elle Villanueva on headlining Return To Paradise opposite Derrick Monasterio: "Grateful po ako na si Derrick yung leading man ko sa unang teleserye ko. Dahil sa kanya, napadali rin yung trabaho."
PHOTO/S: Return To Paradise

Nakatulong kina Derrick Monasterio at Elle Villanueva ang acting workshop nila bago nagsimula ang taping ng Return to Paradise dahil naging komportable sila sa isa’t isa.

Bunsod nito ay naging madali ang trabaho para sa lahat ng mga kasali sa afternoon drama series ng GMA-7 na mapapanood simula sa August 1, 2022.

Ikinuwento ni Derrick na Instagram follower na siya ni Elle bago pa sila nagkakilala nang personal.

"Before nakita personally, pina-follow ko na siya sa Instagram. Nakikita ko siya sa social media tapos hanggang sa nag-workshop na kami.

"Sinabi ko sa kanya, 'Wow, alam mo mas maganda ka in person.'

"I find her mysterious too. Parang suplada siya kasi, yung vibe ni Elle.

"Ewan ko siguro chill lang ako kaya kami nag-connect. Mabilis naming na-trust yung isa’t isa," sabi ni Derrick.

Ipinagtapat naman ni Elle na malaking tulong ang acting workshop nila ni Derrick para hindi siya mahirapan nang kunan ang kanilang mga intimate scene sa isang isla.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Grateful po ako na si Derrick yung leading man ko sa unang teleserye ko. Dahil sa kanya, napadali rin yung trabaho. Pagdating sa eksena, akala ko mahihirapan ako, pero dahil sa kanya, napadali," saad ni Elle.

Kinabahan nang husto ang dalaga bago kinunan ang kissing scenes at love scenes nila ni Derrick para sa kanyang unang lead role sa isang television series.

Inamin din ng baguhang aktres na nagkamali ito sa kanyang unang impresyon kay Derrick dahil napatunayan niyang mabait at maalaga ang kapareha sa matagal na pagsasama nila sa isla.

Kuwento niya, "Nung nagkasakit ako, kahit outside work na, inaalagaan pa niya ako. Tsine-check niya kung okay na ako. Nagpapadala siya ng something.

"Genuine lang talaga. Open siya sa secrets niya, sa napi-feel niya, kaya nagustuhan ko rin talaga siya.”

Nagpapasalamat si Elle sa tiwalang ibinigay sa kanya ng GMA Network Inc.

Bilang kapalit, pinatunayan niyang hindi nagkamali ang network management sa pagpili sa kanya bilang lead actress ng Return to Paradise.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Showbiz newbie Elle Villanueva on headlining Return To Paradise opposite Derrick Monasterio: "Grateful po ako na si Derrick yung leading man ko sa unang teleserye ko. Dahil sa kanya, napadali rin yung trabaho."
PHOTO/S: Return To Paradise
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results