Eula Valdes, hindi nauumay sa role bilang ina na naghahanap ng nawawalang anak

by Jojo Gabinete
Jul 28, 2022
eula valdes return to paradise
Eula Valdes: "Walang maliit na role. Walang paulit-ulit na role. Nasa sa 'yo kung paano mo gagawin na special o paano mo gagawin na iba."
PHOTO/S: GMA Network

“Hara Avria” ang karakter na ginampanan ni Eula Valdes sa remake ng Encantadia noong 2017 kaya nagkamali ang aktres sa sinabi nitong walong taon na ang nakalilipas mula nang magkaroon siya ng proyekto sa Kapuso Network.

“Eight years na yata,” sagot ni Eula nang tanungin ito tungkol sa huling TV series na ginawa niya sa GMA-7.

Read: Eula Valdes returns to GMA-7 after five years

Napag-usapan ang pagbabalik ni Eula sa Kapuso Network dahil kasama siya sa cast ng Return to Paradise, ang afternoon drama series na mapapanood simula sa darating na Lunes, August 1, 2022.

Sinabi ni Eula na mabuti at masaya ang kanyang pagbabalik sa GMA-7 dahil sa mga kasamahan niya sa Return to Paradise.

Pahayag ng aktres, “Masaya ako na nakabalik ako ng GMA and mas masayang katrabaho ultimo hanggang sa crew.

"Kapag nagte-taping ka, pantay-pantay lahat. Wala yung nagka-camera ka, quiet ka lang, yung direktor lang ang magsasalita.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Magaan ang trabaho mo kapag magkakasundo at masasaya lahat.”

Natawa naman si Eula sa pahayag nitong ina na naghahanap sa anak na nawawala ang kanyang madalas na karakter sa mga drama series.

Naniniwala si Eula na walang maliit o paulit-ulit na role dahil nabibigyan niya ng ibang atake ang mga karakter na kanyang ginagampanan.

Saad niya, “Lahat naman ng trabaho, may challenge. Nasa tao ‘yan.

"Example lang, kahit na hindi ganoon kahirap yung ibigay sa 'yo na eksena, kailangan mong trabahuhin.

“Kailangan mong intindihin para maging special. Hindi yung parang, okay, kinunan lang, tapos o tsika ulit tayo.

“Kailangan continuous pa rin. Kumbaga, may assignment ka.

"Kailangan mong pag-aralan lahat kahit pare-parehong nawawalan ng anak."

Patuloy ni Eula, “Normally, lagi akong naghahanap ng anak o nahihiwalay sa anak, pero gawin mong special yung paghahanap mo. Umangkas ka o mag-Grab ka.

"Walang maliit na role. Walang paulit-ulit na role. Nasa sa 'yo kung paano mo gagawin na special o paano mo gagawin na iba."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Si Elle Villanueva ang bida sa Return to Paradise.

Ayon kay Eula, nakikipagsabayan sa pag-arte ang baguhang aktres na hindi niya nakitaan ng takot.

“Bukod sa maganda siya at maganda ang kulay, gustung-gusto ko ang kulay niya, tinitingnan ko siya sa mata kapag nag-eeksena kami.

“Naka-focus naman siya at may mga ibibigay pa siya. Baguhan pa siya pero mukhang malalim naman yung bata at willing to learn.

“Tinatantiya ko pa siya minsan. Ewan ko kung nararamdaman niya pero head-on siya. Nakikisabay, nakikipagsabayan din. Hindi siya nai-intimidate.

“Hindi ko nararamdaman na hesitant siya or parang, 'Bahala na, natatakot ako.' Walang ganoon. Seryoso siya, gusto niyang mag-artista talaga,” papuri ni Eula.

Read: Derrick Monasterio at Elle Villanueva, may tsika tungkol sa love scenes nila sa isla

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Eula Valdes: "Walang maliit na role. Walang paulit-ulit na role. Nasa sa 'yo kung paano mo gagawin na special o paano mo gagawin na iba."
PHOTO/S: GMA Network
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results