Watch Now

Joaquin Domagoso at Raffa Castro, malaya nang nakakalabas na magkasama

by Jojo Gabinete
Jul 29, 2022
joaquin domagoso raffa castro
Bagamat di pa nagsasalita si Joaquin Domagoso tungkol sa pagkakaroon ng anak, mas malaya na siyang nakakalabas kasama ang girlfriend at ina ng kanyang anak na si Raffa Castro.
PHOTO/S: @jdomagoso on Instagram

Hindi pa nagsasalita si Joaquin Domagoso tungkol sa pagkakaroon nila ng anak ng kanyang girlfriend na si Raffa Castro pero hindi na itinatago ng dalawa ang kanilang relasyon.

Magkasama silang dumalo sa birthday dinner na ginanap noong Huwebes, July 28, 2022, sa isang hotel sa Makati City.

Malaya nang nakalalabas na magkasama sina Joaquin at Raffa dahil lumabas na ang katotohanan kaya wala nang hadlang para itago nila na mga magulang na sila ng sanggol na lalake na isinilang noong April 28, 2022.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Joaquin Domagoso, may two-month-old son na sa kapatid ni Claire Castro

Posibleng naghihintay si Joaquin ng wastong panahon para siya mismo ang magkuwento tungkol sa pagiging ama niya.

Pero nauna nang magsalita ang kanyang ama, si former Manila City Mayor Isko Moreno at si Diego Castro, ang ama ni Raffa.

Unang kinumpirma ni Isko sa panayam sa isang lifestyle magazine na lolo na siya.

Read: Isko Moreno admits to being a lolo to son Joaquin Domagoso's child: “Ang pogi ng apo ko.”

Una namang nagsalita si Diego tungkol sa apo niya sa exclusive interview ng Philippine Entertainment Portal (PEP.ph) noong Miyerkules, July 27.

Read: Diego Castro, "Lolo Pogi" ang gustong itawag sa kanya ng anak nina Raffa Castro at Joaquin Domagoso

Kinabukasan, July 28, nagpaunlak ng panayam si Diego, na news anchor ng One.Ph, sa News5, ang sister station ng news channel na kanyang pinaglilingkuran.

“I’ve met si JD [palayaw ni Joaquin], long time na. He’s a good kid. Nag-uusap kami.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"He was respectful enough to talk to me about the situation and he’s doing well, I think as a dad and, of course, he’s providing well.

"And so I’m happy about that."

Masaya ang pakiramdam ni Diego dahil sa kanyang apo na binigyan ng pangalan na Scott Angelo Domagoso.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bagamat di pa nagsasalita si Joaquin Domagoso tungkol sa pagkakaroon ng anak, mas malaya na siyang nakakalabas kasama ang girlfriend at ina ng kanyang anak na si Raffa Castro.
PHOTO/S: @jdomagoso on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results