Ngayong Sabado, July 30, 2022, ang ika-43 anibersaryo sa telebisyon ng Eat Bulaga!, ang longest-running noontime program sa Pilipinas.
Unang napanood ang Eat Bulaga! sa RPN-9 noong July 30, 1979, lumipat sa ABS-CBN noong February 18, 1989, at naging permanenteng tahanan ang GMA-7 noong January 28, 1995 hanggang sa kasalukuyan.
Read: Eat Bulaga!'s humble beginnings: "We were struggling, di kami sumusuweldo."
Si Coney Reyes, na isa sa mga host ng Eat Bulaga! mula 1982 hanggang 1991, ang special guest sa 43rd anniversary celebration ng noontime show na malapit sa kanyang puso.
Kumpleto ang Eat Bulaga! original hosts na sina Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey de Leon sa "coming home" ni Coney na pinasalamatan ang mga dating kasama sa nabanggit na programa.
“Sa lahat ng mga bumubuo ng Eat Bulaga, production staff and crew...
"Some of the fun years that I had in show business was here with the Eat Bulaga! family especially with Tito, Vic, and Joey.
"Marami akong natutunan sa kanila. Sobrang marami," pahayag ni Coney.
Hindi nakaligtaan ni Coney na magpasalamat sa kanyang dating karelasyon na si Vic at sa asawa nitong si Pauleen Luna.
Mensahe niya, “Gusto kong pasalamatan si Vic at si Pauleen dahil sa sobrang suporta nila sa anak ko, sa anak namin ni Vic, kay Vico [Sotto, Pasig City mayor] dahil alam naman namin na without Eat Bulaga!, and of course, without the tatay, maraming bagay ang hindi magagawa."
Live ang 43rd anniversary show ng Eat Bulaga! na inabangan din ng televiewers dahil sa co-host na si Maine Mendoza na nag-anunsiyo ng engagement nila ng kanyang fiancé na si Arjo Atayde kahapon, July 29.
Read: Maine Mendoza and Arjo Atayde are engaged
Dahil dito, nakatikim siya ng panunukso mula sa mga kasamahan niya.
“Usapang love. Ang Daddy’s Gurl ko magle-level up na. Engaged na, congratulations!” masayang pagbati ni Vic kay Maine na gumanap na anak niya sa sitcom na Daddy’s Gurl.