Viva, former ABS-CBN stars Billy Crawford, Coleen Garcia, Cristine Reyes, Marco Gumabao dumalo sa GMA Gala Night

by Jojo Gabinete
Jul 30, 2022
viva artists gma gala night
Viva Artists Agency contract stars and former Kapamilya stars (from left) Cristine Reyes, Billy Crawford, Coleen Garcia, and Marco Gumabao make a surprise appearance at GMA Thanksgiving Gala held Saturday night, July 30, 2022.
PHOTO/S: Pau Guevarra

Dumalo ang Viva Artists Agency contract stars na sina Billy Crawford, Coleen Garcia, Cristine Reyes, at Marco Gumabao sa Thanksgiving Gala ng GMA Network na kasalukuyang ginaganap sa isang five-star hotel sa Taguig City, Sabado ng gabi, July 30, 2022.

Ang apat na Viva artists ay dating napapanood sa ABS-CBN.

Nag-umpisa ang pagiging artista ni Cristine nang sumali ito sa unang season ng StarStruck, ang reality-based artista search ng GMA-7 noong 2003.

Lumipat siya sa ABS-CBN noong 2008 at dito namayagpag nang husto ang kanyang acting career.

cristine reyes gma gala night

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagkaroon ng mga espekulasyon tungkol sa posibleng pagbabalik ni Cristine at pagkakaroon ni Marco ng proyekto sa Kapuso Network dahil sa pagdalo nila sa Thanksgiving Gala ng GMA-7.

marco gumabao gma gala night

Magsisimula naman sa August 28 ang The Wall Philippines, ang game show ng Viva Television na dating natutunghayan sa TV5 pero mapapanood na sa Kapuso station tuwing Linggo ng hapon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

billy crawford coleen garcia gma gala night

Si Billy ang host ng The Wall Philippines sa TV5, at siya pa rin ang emcee ng programa na inilipat ng Viva Television sa GMA-7 dahil bahagi ito ng pagsasanib-puwersa ng dalawang malalaking kompanya sa entertainment industry.

Read: GMA Network welcomes back Billy Crawford after 15 years

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Walang conflict ang paglabas ni Billy sa Kapuso Network kahit mainstay siya ng Tropang LOL na ipinalalabas sa TV5, A2Z at Kapamilya Channel. Sa naturang programa lamang siya may kontrata, hindi sa Kapatid Network.

Nag-advance taping na si Billy para sa The Wall Philippines dahil nakatakda siyang umalis ng bansa sa August 15.

Pupunta sa Paris, France si Billy dahil contestant siya sa Season 12 ng Danse avex les Stars (Dance with the Stars) at mananatili siya sa naturang bansa hanggang October 15, 2022.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Viva Artists Agency contract stars and former Kapamilya stars (from left) Cristine Reyes, Billy Crawford, Coleen Garcia, and Marco Gumabao make a surprise appearance at GMA Thanksgiving Gala held Saturday night, July 30, 2022.
PHOTO/S: Pau Guevarra
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results