Watch Now

Juliana Parizcova Segovia, kinuwestiyon ang paghakot ng awards ng Katips sa 70th FAMAS Awards

by Jojo Gabinete
Jul 31, 2022
juliana parizcova segovia katips
Tinawag na "pa-victim" ng komedyante at Marcos supporter na si Juliana Parizcova Segovia ang pelikulang "Katips" na humakot ng awards sa 70th FAMAS.
PHOTO/S: @juliana_parizcova on Instagram / FAMAS Facebook

Ang Katips ang big winner sa 70th FAMAS Awards na ginanap sa Metropolitan Theater nitong Sabado ng gabi, July 30, 2022.

Read: FAMAS 2022: Martial law film Katips bags seven awards; Charo Santos-Concio wins Best Actress

Ang Katips, isang musical film na tumatalakay sa martial law, ay may labimpitong (17) nominasyon para sa iba’t ibang kategorya.

Pitong awards ang napanalunan nito: Best Picture, Best Director (Vince Tañada), Best Actor (Vince Tañada), Best Supporting Actor (Johnrey Rivas), Best Original Song ("Sa Gitna ng Gulo"), Best Musical Score (Pipo Cifra), at Best Cinematography.

Pero pinuna at binigyan ng malisya ng comedian na si Juliana Parizcova Segovia ang resulta ng 70th FAMAS Awards.

Ilang oras matapos ang gabi ng parangal ng FAMAS, kinuwestiyon ni Juliana ang tagumpay ng Katips sa pamamagitan ng isang Facebook post.

“Babatiin ko na sana yung humakot daw ng awards sa FAMAS at pelikulang pa-victim na kunwari tinatapangan para itapat sa Maid in Malacañang, kaso andaming resibo. Sige na nga… Congrats Haahahaha!” nanunuyang pahayag ni Juliana.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

juliana parizcova segovia post

Ginamit na "resibo" ni Juliana ang mga screenshot ng closing credits ng full show ng 69th FAMAS noong February 2021 na nagpapakita sa pangalan ni Vince bilang direktor ng naganap na awards.

Tila ipinahihiwatig ni Juliana na may kinalaman ang pagiging direktor ni Vince ng FAMAS noong nakaraang taon kaya ito nanalo ngayong taon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

69th famas credits

Si Vince ang producer, director, at lead actor ng Katips, at isa sa mga kritiko ng kapwa nito direktor na si Darryl Yap at ng pelikula nitong Maid in Malacañang.

Tungkol sa isang grupo ng mga aktibista na estudyante na nilabanan ang pagpapatupad noon ng martial law ang kuwento ng Katips.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ipalalabas ang Katips sa mga sinehan sa August 3, kasabay ng Maid in Malacañang na tumatalakay naman tungkol sa pamumuhay ng pamilya Marcos sa huling tatlong araw ng kanilang pamamalagi sa palasyo noong February 1986.

Read: Darryl Yap denies P50M talent fee for LenLen series, other campaign videos

Kinuwestyon din ni Juliana ang pagkapanalo ng baguhang aktor na si Johnrey Rivas bilang Best Supporting Actor para sa Katips.

Read: Johnrey Rivas ecstatic over FAMAS Best Supporting Actor win

Aniya, "So ayun na nga, tinalo nu’ng taga#Katsip si John Arcilla??? Para lang makasabay kayo sa Maid in Malacanang, manggagago kayo ng tao. Jusko!"

juliana parizcova segovia post

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tinalo ni Johnrey si John Arcilla na may dalawang nominasyon sa best supporting actor category para sa A Hard Day at Big Night.

Si John ang best supporting actor winner sa 47th Metro Manila Film Festival noong December 2021 dahil sa pagganap niya sa Big Night.

Kinikilala siya bilang kauna-unahang Pilipino na nagwaging best actor sa prestigious 78th Venice Film Festival noong September 11, 2021 para sa kanyang mahusay na pag-arte sa On the Job: The Missing 8.

Si Juliana ay tampok sa "Lenlen" series na nilikha ni Yap nitong campaign period ng 2022 elections bilang panunuya sa presidential candidate na si dating Vice President Leni Robredo, na mahigpit na katunggali noon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Tinawag na "pa-victim" ng komedyante at Marcos supporter na si Juliana Parizcova Segovia ang pelikulang "Katips" na humakot ng awards sa 70th FAMAS.
PHOTO/S: @juliana_parizcova on Instagram / FAMAS Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results