May "Steve Harvey moment" ba sa announcement ng winners ng Binibining Pilipinas 2022?

by Jojo Gabinete
Aug 1, 2022
binbining pilipinas 2022
(Left) Binibining Pilipinas 2022 hosts Catriona Gray and Nicole Cordoves are seen discussing something with the floor director moments before the announcement of Bb. Pilipinas-International 2022 winner; (right) Bb. Pilipinas-International 2021 Hannah Arnold relinquishes her crown to new Bb. Pilipinas-International Nicole Borromeo.
PHOTO/S: Nikko Tuazon / Sany Chua

Nabahiran ng kontrobersiya at mga pagdududa ang resulta ng Binibining Pilipinas 2022 dahil sa matagal na announcement ng mga host na sina Miss Universe 2018 Catriona Gray at Bb. Pilipinas Grand International 2016 Nicole Cordoves sa nanalo ng korona at titulong Bb. Pilipinas-International 2022.

Ginanap ang grand coronation ng 58th edition ng Binibining Pilipinas sa Smart Araneta Coliseum, Linggo ng gabi, July 31, 2022.

Read: Nicole Borromeo of Cebu City crowned Bb. Pilipinas International 2022

Marami sa mga nakapanood ang naniniwalang may pagkakamali na nangyari kaya humihingi sila ng paliwanag mula sa pamunuan ng Binibining Pilipinas Charities Inc. (BPCI), ang organizer ng beauty pageant.

Si Nicole Borromeo ng Cebu City ang itinanghal na Bb. Pilipinas-International 2022, pero kumbinsido ang ilang pageant aficionados at netizens na nagkaroon ng problema dahil naantala ang deklarasyon sa pangalan ng nagwagi.

Si Gabrielle Basiano ng Borongan, Samar ang kinoronahang Bb. Pilipinas-Intercontinental 2022.

Siya rin ang tumatanggap ng special awards na Best in Swimsuit at Best in Gown kaya ayon sa beauty pageant aficionados, ang 24-year-old beauty queen ang karapat-dapat nanalo ng Bb. Pilipinas-International crown.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa kasaysayan ng Binibining Pilipinas, ang mga nagwawagi ng mga nabanggit na karangalan ang kadalasang nag-uuwi ng pinaglalabanang pinakamataas na titulo tulad ng Bb. Pilipinas-Universe/Miss Universe Philippines noong hawak pa ng BPCI ang prangkisa nito.

Nakadagdag sa kontrobersiya ng delayed announcement ng nanalo ng Bb. Pilipinas-International 2022 crown ang nakunang video ng PEP.ph kung saan lumapit ang floor director kina Catriona at Nicole sa stage, at may ibinulong sa mga ito.

Makikita rin sa mukha ni Catriona ang pag-aalala at pagkalito.

Maririning naman ang boses ng isang lalake sa audience na paulit-ulit na nagsasabing "May mali?"

@pepalerts Some suspense before the #BinibiningPilipinas2022 International winner was announced… #PEPNews #NewsPH #EntertainmentNewsPH ? original sound - PEP.ph

May kumakalat ding TikTok video ng isang babaeng dumalo sa coronation night at nakunan ng video habang nagsasalita.

Sabi ng babae, “Nagkamali kasi ang dapat na big winner si Basiano.”

Maririnig din sa background ang boses ng isang lalake na nagtatanong kung ano ang nangyari.

@pageantlandia Ayan na yung dahilan bakit ang tagal i announce winner #binibiningpilipinas #gabbybasiano #herlenebudol #graciellalehmann #binibiningpilipinas2022 ? WIN YOUR HEART - SB19

May hinala rin ang TV host-comedian na si Vice Ganda na may naganap na pagkakamali dahil sa kanyang magkasunod na tweets:

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagtaka rin ang actress-beauty queen na si Ruffa Gutierrez sa resulta.

Hindi nakaligtas sina Catriona at Nicole Cordoves sa imbestigasyong ginagawa ng netizens na pinagbalingan ang kanilang mga social media account para magpaliwanag sila sa isyung tinatawag nilang "Steve Harvey moment."

Patungkol ito sa pagkakamali ng American host na si Steve Harvey sa announcement ng nanalong Miss Universe 2015 crown na napanalunan ni Pia Wurtzbach, pero ang pangalan ni Miss Colombia Ariadna Gutierrez ang kanyang sinabi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: 15 Ugly and Beautiful aftermaths of Miss Universe 2015 pageant

“May Steve Harvey moment ba sa announcement kanina?" "Spill the tea Catriona" "Mare anong eksena sa long pause kanina?" at "I think we need a statement" ang ilan sa mga mensaheng natatanggap ni Catriona mula sa disgruntled netizens, na may demand na maglabas ng opisyal na pahayag at paglilinaw mula sa BPCI para matuldukan na ang kontrobersya.

Pero ayon kay Miss Universe Philippines 2014 na si Mary Jean Lastimosa, na nanood sa Araneta Coliseum, wala umanong dayaang nangyari.

Ayon sa BPCI, tama ang inanunsiyong resulta pero nagkaroon lamang daw ng kalituhan sa floor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
(Left) Binibining Pilipinas 2022 hosts Catriona Gray and Nicole Cordoves are seen discussing something with the floor director moments before the announcement of Bb. Pilipinas-International 2022 winner; (right) Bb. Pilipinas-International 2021 Hannah Arnold relinquishes her crown to new Bb. Pilipinas-International Nicole Borromeo.
PHOTO/S: Nikko Tuazon / Sany Chua
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results