Binibining Pilipinas 2022 judge Cecilio Asuncion, may buwelta sa mga bumatikos sa pagsusuot ng shorts

by Jojo Gabinete
Aug 1, 2022
cecilio asuncion bb pilipinas 2022
Binibining Pilipinas 2022 judge Cecilio Asuncion with the winners of the pageant.
PHOTO/S: @yetasuncion on Instagram

“I have lived in America for 22 years and derecho pa rin ako mag-Tagalog dahil mahal ko ang bansa ko.

"Sa mga bumabatikos sa pagpili ko ng suot ko, sana magsumikap kayo at balang-araw, ma-invite rin kayo mag-judge.

"Love you, mean it!" prangkahang mensahe ni Cecilio Asuncion sa mga bumabatikos sa kanyang kasuotan nang magsilbi siyang hurado sa Binibining Pilipinas na ginanap kagabi, July 31, sa Smart Araneta Coliseum.

binibining pilipinas 2022 judges

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Cecilio Asuncion (center) with his fellow Binibining Pilipinas 2022 judges

Si Asuncion ay Filipino-American director, producer, filmmaker, and executive. Siya rin ang direktor ng Slay Model Management sa Los Angeles, California.

Siya ang huradong nagsalin sa Tagalog sa tanong niya kay Herlene Nicole Budol sa question and answer ng 58th Binibining Pilipinas.

Ani Asuncion, “It has been an amazing homecoming after 22 years, thank you to Binibining Pilipinas for having me as a judge!

"Tama ka, Herlene, ang sarap mangarap at walang imposible!

“Matuto tayong mahalin ang Tagalog. Parte ito ng kultura natin at dapat hindi ikahiya."

Napag-iinitan si Asuncion ng mga “makabayan” na Pilipino dahil sa Barong Tagalog at sa shorts na ikinumpara sa karsunsilyo na suot niya.

Pinaratangan si Asuncion ng pambabastos sa itinuturing na Pambansang Kasuotan ng mga kalalakihan sa Pilipinas.

Katuwiran naman niya sa kanyang pananamit, "At sa lahat ng mga nagtatanong bakit ako naka-shorts, ito ay dahil pinili kong magsuot ng gawa ng Pinoy na designer na si Avel Bacudio na mula sa tela na galing sa Mindanao.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"At ang bag ko naman ay gawa ni Zarah Juan."

Kasama ni Asuncion bilang mga hurado sa Binibining Pilipinas 2022 ang mga showbiz personality at Darna stars na sina Jane de Leon at Joshua Garcia.

Ikinatuwa ng manonood ang “very timely question” ni Joshua para sa aktres na si Stacey Daniella Gabriel ng Cainta, Rizal: "Personally, how do you distinguish a historian from a Maritess?"

Sa kasamaang-palad, hindi maayos at kulang ang sagot ni Stacey pero masuwerte pa rin na ito dahil siya ang hinirang na second runner-up sa beauty pageant na kanyang sinalihan.

Ang five-member Filipino boy band na SB19 ang opening number ng coronation night ng Binibining Pilipinas 2022 at hindi nila binigo ang mga tagahanga at ang mga taong matagal na naghintay sa TV broadcast ng contest dahil sa kanilang bagong interpretasyon sa revamped official theme song ng Binibining Pilipinas, na orihinal na komposisyon noong 1999 ng popular songwriter na si Nonong Pedero.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Binibining Pilipinas 2022 judge Cecilio Asuncion with the winners of the pageant.
PHOTO/S: @yetasuncion on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results