Watch Now

Before and after photos ni Miss Universe Thailand 2022 Anna Sueangam-iam, nakamamangha

by Jojo Gabinete
Aug 2, 2022
miss thailand 2022 transformation
Ilang araw pagkatapos makoronahan bilang Miss Universe Thailand 2022, inilabas ng isang surgery clinic ang before and after photos ni Anna Sueangam-iam.
PHOTO/S: Facebook / Miss Universe Thailand

Isyu para sa beauty pageant fans ang transformation o malaking pagbabago sa mukha ni Anna Sueangam-iam, ang nanalong Miss Universe Thailand 2022.

Ginanap ang coronation night ng Miss Universe Thailand 2022 sa True Icon Hall, Bangkok, Thailand, noong July 30.

Read: Nicole Borromeo of Cebu City crowned Bb. Pilipinas International 2022

Ang 23-year-old Thai beauty queen ang isa sa mga makakalaban ni Miss Universe Philippines Celeste Cortesi sa 71st Miss Universe.

Pinag-uusapan ang physical transformation ni Anna dahil sa paglabas ng kanyang mga lumang litrato matapos siyang koronahan bilang Miss Universe Thailand.

miss universe thailand 2022

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang Natchaya Clinic, isang beauty clinic sa Bangkok, ang naglabas sa kanilang official Facebook page ng before and after picture ni Anna.

Sila ang may kinalaman kaya mula sa pagiging ugly duckling, isa nang beautiful swan ang newly crowned Miss Universe Thailand.

Anna Sueangam-iam natchaya clinic

Hindi lamang ang malaking pagbabago ng hitsura ni Anna ang paksa ng beauty pageant aficionados dahil makulay rin ang kanyang buhay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Inilahad ng Bangkok Post na city garbage collectors o mga basurero ang mga magulang ni Anna, pero ang lola nito sa tuhod (great grandmother) na isang Buddhist lay nun ang nagpalaki sa kanya.

Ayon kay Anna, nagtrabaho sa Bangkok City administration ang kanyang mga magulang, garbage collector ang tatay niya, samantalang dalawa ang trabaho ng kanyang ina, street sweeper at kasambahay.

Sa kuwento ni Anna, lumaki itong pamilyar siya sa mga gabundok na basura at mga sirang laruan na pinulot mula sa basurahan at binuo ng kanyang mga magulang ang mga laruan niya.

Hindi naranasan ni Anna ang normal na buhay ng isang bata dahil kasama siya ng kanyang ama sa pagkuha ng mga basura, sakay ng isang garbage truck.

Lumaki rin si Anna sa mga limos dahil nanggaling ang kanyang kinakain mula sa mga deboto ng Buddhists na nagbibigay ng pagkain sa lola niya.

Anna Sueangam-iam grandmother

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Anna Sueangam-iam and her grandmother

Sa kabila ng mga pinagdaanang kahirapan, nagtapos si Anne sa first honor sa kanyang kursong Liberal Arts and Sciences sa Kasetsart University.

Nang sumali siya sa Miss Universe Thailand 2022, ibinahagi ni Anna ang natutunan nito mula sa kanyang lola.

Aniya, “Don’t be limited to where you are born. With enough determined we can change our life.”

Nagkatotoo ito nang mapanalunan niya ang korona.

Saad pa niya, “Today is proof to everyone that no matter where we are born, we can be successful and make our dreams come true if we have the self-confidence.”

Itinuturing ni Anna na ang pagmamahal ng mga magulang at lola niya ang dahilan ng kanyang tagumpay.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ilang araw pagkatapos makoronahan bilang Miss Universe Thailand 2022, inilabas ng isang surgery clinic ang before and after photos ni Anna Sueangam-iam.
PHOTO/S: Facebook / Miss Universe Thailand
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results