Miss Universe Philippines 2022 Celeste Cortesi, pinuntirya ng Thai pageant fans

by Jojo Gabinete
Aug 3, 2022
celeste cortesi gma gala night
Celeste Cortesi: "I invite my fans to not answer and fight back please. If you want to protect me, then simply use the hashtag #kindnesscampaign. Let’s not engage with any form of hate."
PHOTO/S: Pau Guevarra

Walang ipinagkaiba sa mga Pilipino ang mga Thai dahil matindi rin ang kanilang obsesyon sa mga beauty pageant at buong-buo ang suporta sa mga kandidatang ipinadadala sa mga international beauty pageant.

Hindi nakapagtatakang masigasig din ang mga Thai sa pagpuna sa mga kalaban o makakalaban ng mga kinatawan ng bansa nila.

Kasabay ng paglabas ng before and after transformation photos ni Miss Universe Thailand 2022 Anna Sueangam-iam ang alleged before and after picture ni Miss Universe Philippines Celeste Cortesi.

Read: Before and after photos ni Miss Universe Thailand 2022 Anna Sueangam-iam, nakamamangha

Inilabas ng Talkmissthailand sa official Facebook page nito ang photoshopped o edited photo ni Celeste nang manalo itong Miss Philippines Earth Italy noong 2018 at nang koronahan siya bilang Miss Universe Philippines 2022.

Nilagyan nila ito ng caption na “Glow-Up: Amazing transformation of Miss Universe Philippines 2022, Silvia Celeste Cortesi by Philippines Clinic.”

celeste cortesi edited transformation

Continue reading below ↓

Ang Talkmissthailand din ang nag-post ng mga litrato nina Celeste at Willie Revillame nang maging guest co-host ang dalaga ng Wowowin noong 2018.

"Hello Daddy my name is Celeste Cortesi Miss Universe Philippines 2022" at may hashtags na #MorningVSEvening at #Missing You Daddy ang caption ng Facebook post.

celeste cortesi

Continue reading below ↓

Malinaw na may bahid ito ng malisya para siraan ang reputasyon ng reigning Miss Universe Philippines na makakalaban ni Anne sa Miss Universe 2022.

Negatibo ang mga komento ng mga Thai sa mga post tungkol kay Celeste, na tinawag ding "Miss Universe Tattoo" dahil sa mga tattoo niya sa katawan.

Mula nang sumali at manalo siya sa first-ever Miss Philippines Earth Italy noong February 18, 2018, hindi na tinantanan si Cortesi ng mga intriga at kontrobersiya.

Read: First-ever Miss Philippines Earth Italy hounded by controversies; host announces wrong winner

May mga nagprotesta sa panalo ni Cortesi bilang Miss Philippines Earth Italy, pero siya ang nagwaging Miss Earth Philippines at naging kinatawan ng Pilipinas sa 18th Miss Earth na ginanap sa Mall of Asia Arena noong November 3, 2018.

Hindi man pinalad na maiuwi ang korona, kasama si Celeste sa Top 8 candidates ng Miss Earth 2018.

Read: Kontrobersiyal na Fil-Italian beauty queen, kinoronahang Miss Earth Philippines 2018

Continue reading below ↓

Dati nang maganda si Celeste nang lumahok ito sa Miss Earth Philippines Italy noong 2018, at lalong tumingkad ang kanyang kagandahan nang sumali at magwagi siya sa Miss Universe Philippines 2022 noong April 30, 2022.

Read: Pasay City's Celeste Cortesi is Miss Universe Philippines 2022

Unfair o hindi makatarungan ang pagkukumparang ginagawa ng Thai beauty pageant fans kina Anne at Celeste.

Mismong ang Natchaya Clinic ang nagkumpirma na isang "Salamat po Doc beauty" ang kinatawan ng Thailand sa 71st Miss Universe bilang ang naturang beauty clinic sa Bangkok ang nagretoke sa kanyang mukha.

Nakarating kay Celeste ang lahat ng mga paninira sa laban sa kanya pero imbes na magpaapekto, nakiusap siya sa mga tagahanga niyang huwag nang lumaban o sumagot sa pamamagitan ng isang social media post.

“And again, people keep tagging me in edited photos of me, insults and threats. I have seen quite a lot just today and now before going to sleep.

Continue reading below ↓

“After the talk we had last week, I was hoping that this unnecessary cyberbullying would somehow stop or lessen.

“I invite my fans to not answer and fight back please. If you want to protect me, then simply use the hashtag #kindnesscampaign. Let’s not engage with any form of hate," apela ni Celeste sa kanyang mga supporter.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Celeste Cortesi: "I invite my fans to not answer and fight back please. If you want to protect me, then simply use the hashtag #kindnesscampaign. Let’s not engage with any form of hate."
PHOTO/S: Pau Guevarra
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results