Brod Pete, nag-retire na sa showbiz dahil "laos na po ako"

by Jojo Gabinete
Aug 3, 2022
brod pete retirement
Ayaw seryosohin ng ibang mga tao ang announcement ni Brod Pete na magreretiro na siya dahil hinaluan niya ito ng pagpapatawa.
PHOTO/S: Brod Pete Facebook

Iilan lamang sa mga artistang kagaya ng comedian-writer na si Herman “Isko” Salvador, na kilala rin sa tawag na Brod Pete, ang may lakas ng loob na umaming may kinalaman ang kanilang pagiging laos sa desisyon nilang magretiro sa show business.

Inanunsiyo ni Isko sa kanyang Facebook page ngayong Miyerkules ng hapon, August 3, ang pagreretiro sa showbiz dahil sa simpleng dahilang "laos" na siya.

Pero magpapatuloy pa raw ang kanyang "singing career" at ang online comedy writing workshop niya para sa mga aspiring writer.

Pahayag niya (published as is): "Yes laos na po ako after 43 yrs sa shobiz as a writer and comedian. Im now retired. Nakakasawa din.

"But i am launching my singing career fyi - to pursue my true love — music!

"Ive tried politics, mas nakakatawa kesa sa komedi ang politika. Di ako pinalad para konsehal- siguro dahil sinabe ko na - para mawala ang baha ipapasemento ko ang marikina river- u dont know soundbytes- anyways - marikina deserves less.

Continue reading below ↓

"Btw- i am conducting an online comedy writing workshop/playshop! Sept 3 7pm- via zoom. 1k petot lang- 43 yrs of comedy writing in 3 plus hrs."

Ayaw seryosohin ng ibang mga tao ang announcement dahil hinaluan niya ng pagpapatawa ang kanyang retirement announcement.

Independent candidate si Isko nang tumakbo ito bilang konsehal ng unang distrito ng Marikina City sa eleksyon noong May 9, 2022 pero hindi siya pinalad manalo.

Ang defunct sitcoms na John en Marsha at ang gag show na Bubble Gang ang ilan sa mga TV show ni Isko bilang aktor.

Pero kilala rin siyang mahusay na comedy writer kaya gusto niyang ibahagi ang kanyang talento sa pagsusulat sa pamamagitan ng online workshop.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ayaw seryosohin ng ibang mga tao ang announcement ni Brod Pete na magreretiro na siya dahil hinaluan niya ito ng pagpapatawa.
PHOTO/S: Brod Pete Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results