Watch Now

Isko Moreno hindi totoong nabugbog sa Paris, France

by Jojo Gabinete
Aug 3, 2022
isko moreno family in paris
Wowie Roxas, mentor-discoverer of Isko Moreno, denies rumor that the former Manila Mayor was mugged while in vacation in Paris, France.
PHOTO/S: Isko Moreno Domagoso Facebook

Pinabulaanan ni Wowie Roxas ang kumakalat na balitang biktima ng pambubugbog si former Manila City Mayor Isko Moreno sa Paris, France.

Si Wowie ang mentor-discoverer ni Isko nang pumasok ito sa showbiz noong 1993.

Read: 2022 PRESIDENTIABLES | Isko Moreno: From basurero in Tondo to Manila mayor

Ikinuwento ni Wowie na nakausap nito si Isko sa telepono kagabi, August 2, 2022.

Itinanggi ng dating alkalde ng Maynila na binugbog siya. Pero totoo umanong muntik maging biktima ng “budol-budol” sa Paris ang kanyang pamilya.

“Si Isko pa, e, laking-Tondo yun? Natunugan niya kaagad ang balak ng mga 'gypsy' na pumaligid sa kanila kaya hindi natuloy ang masamang balak,” pahayag ni Wowie sa pakikipag-usap sa kanya ng Cabinet Files ngayong Miyerkules, August 3.

Idinagdag ni Wowie na imposibleng masaktan si Isko at ang pamilya nito dahil blackbelter sa karate si Dynee, ang misis ng actor-politician.

Isang buwang magbabakasyon sa Europe ang pamilya ni Isko dahil ngayon lamang sila nagkasama-sama mula nang maglingkod siya bilang mayor ng Maynila mula June 2016 hanggang June 2022.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

isko moreno family in paris

Naunang bumiyahe sa Europe (The Natherlands, Belgium, at London) sina Isko, Dynee, at ang kanilang apat na anak noong July 10.

Sumunod na lamang si Joaquin Domagoso sa Paris dahil tinapos pa nito ang shooting ng The Big Boyz at dumalo pa siya sa GMA Thanksgiving Gala noong Sabado, July 30.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Joaquin Domagoso, hindi nawalan ng trabaho sa kabila ng isyung may love child — manager

Si Wowie ang producer ng The Big Boyz na tinatampukan ng kanyang mga alagang sina Joaquin, John Gabriel, at Jovani Manansala, kasama si Alice Dixson.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Wowie Roxas, mentor-discoverer of Isko Moreno, denies rumor that the former Manila Mayor was mugged while in vacation in Paris, France.
PHOTO/S: Isko Moreno Domagoso Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results