Watch Now

Ex-PBB housemate Jamilla Obispo, walang takot sa shower scene nila ni Felix Roco

by Jojo Gabinete
Aug 3, 2022
Jamilla Obispo
Jamilla Obispo sa paghihintay sa kanyang big break sa showbiz: "Minsan, wala kang projects. Nalulungkot ka kasi yung iba may projects sila. Dumating din ako sa time na kinuwestiyon ko ang sarili ko. Kapit lang, laban lang, maghintay ka ng para sa ’yo talaga."
PHOTO/S: @jamillaobispo11 Instagram

Personal na pinili ng direktor na si McArthur Alejandre si Jamilla Obispo para magbida sa Vivamax original series na Wag Mong Agawin Ang Akin dahil gandang-ganda siya sa former PBB Teen Edition 1 housemate nang mapanood niya ito sa isang pelikula.

Malaki ang pasasalamat ni Jamilla kay Alejandre dahil sa tiwalang ibinigay sa kanya.

At bilang kapalit, matapang niyang ginawa ang mga love scene nila ni Felix Roco sa Wag Mong Agawin Ang Akin.

Agaw-pansin ang pamagat ng unang episode ng Wag Mong Agawin Ang Akin, kung saan umpisa pa lang, nagpakitang-gilas agad si Jamilla sa intimate scene nila ni Felix.

Pumayag siyang hawakan at haplusin ng kanyang kapareha ang dibdib niya—na hindi ginagawa ng ibang mga sexy star na tampok sa mga erotic movie ng Vivamax.

Walang takot si Jamilla sa shower scene nila ni Felix. Pero kahit hubad ang kabuuan ng kanyang katawan, disente at hindi bastusin ang aktres dahil nangibabaw ang mahusay na pagganap nila ng leading man niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tiniyak din ni Alejandre na hindi nito basta pinaghubad ang kanyang mga artista dahil importante ang eksena sa kuwento ng proyekto nila.

Jamilla Obispo, Angeli Khang, Felix Roco

REACTION OF JAMILLA'S CHILDREN

May dalawang anak na lalake si Jamilla—isang 17 years old at isang pitong taon ang edad.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ipinaliwanag ni Jamilla na kahit mapangahas ang mga eksena nito sa mga pelikula na ginagawa, nauunawaan ito ng kanyang mga anak, lalo na ng panganay niya.

“Naiintindihan naman po niya ang trabaho ko. I am a single mom. Let’s face it. Let’s face reality. Kailangan kong mag-work. Ako lahat, e.

“Naiintindihan ako ng anak ko. Thankful ako dahil napalaki ko ang anak ko na naiintindihan niya ang trabaho ko. Alam niya na propesyonal ako. I am not doing anything wrong.”

Naranasan ni Jamilla na mawalan ng pag-asa dahil sa kawalan ng mga showbiz project kaya hindi na siya nagdalawang-isip magpaseksi sa pelikula.

Nakipagsabayan siya kay Angeli Khang sa paghuhubad at paggawa ng mga mapupusok na eksena.

“Maraming beses nang sumuko. Nagiging hopeless ka na. Minsan, wala kang projects. Nalulungkot ka kasi yung iba may projects sila.

"Dumating din ako sa time na kinuwestiyon ko ang sarili ko. Kapit lang, laban lang, maghintay ka ng para sa ’yo talaga,” saad ni Jamilla.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Masaya siya dahil sa wakas naranasan niyang magbida sa original series ng Vivamax na nag-umpisa ang streaming noong July 31, 2022.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jamilla Obispo sa paghihintay sa kanyang big break sa showbiz: "Minsan, wala kang projects. Nalulungkot ka kasi yung iba may projects sila. Dumating din ako sa time na kinuwestiyon ko ang sarili ko. Kapit lang, laban lang, maghintay ka ng para sa ’yo talaga."
PHOTO/S: @jamillaobispo11 Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results