Fili-Am transgender actress Ivory Aquino, apektado sa pagkansela sa Batgirl movie

by Jojo Gabinete
Aug 4, 2022
ivory aquino batgirl
Ivory Aquino (left), a Filipino-American transgender actress, plays the best friend of Barbara Gordon/Batgirl (Leslie Grace, right) in the cancelled Batgirl movie.
PHOTO/S: @msivoryaquino on Instagram / Warner Bros. Discovery

Ang Filipino-American transgender actress na si Ivory Aquino ang isa sa mga apektado ng desisyon ng Warner Bros. Discovery na i-shelve ang $90-million DC (Detective Comics) movie na Batgirl.

Kasama si Ivory sa cast ng superhero movie na pinagbibidahan ng American actress na si Leslie Grace.

Si Ivory, na pamangkin ni former Philippine President Cory Aquino, ang gumanap na Alysia Yeoh, ang matalik na kaibigan ni Barbara Gordon aka Batgirl.

Unang lumabas ang fictional transgender character ni Alysia sa Batgirl series ng DC Comics noong 2011. Dahil importante siya sa kuwento, isinama ang kanyang karakter sa movie version ng Batgirl.

Ang Batgirl sana ang biggest break ni Ivory sa Hollywood pero nagpasya ang Warner Bros. Discovery na huwag nang ituloy ang pelikula.

Ito ay dahil sa malaking budget at sa utos ng production executive na si David Zaslav na “All DC films should be released theatrically or not at all.”

Continue reading below ↓

Diumano, hindi rin pumasa sa panlasa ng studio executives ang Batgirl na ikinumpara sa isang “bad TV episode.”

Isinilang si Ivory sa Pilipinas. Maliit na bata pa lang siya ay alam na niya ang kanyang tunay na katauhan.

Sa interview ng People Magazine kay Ivory noong January 2017, sinabi ng transgender actress na handa na itong isuko ang pangarap maging aktor dahil sa kanyang akalang hindi magkakaroon ng mga role para sa isang kagaya niyang transgender mula sa Pilipinas.

Continue reading below ↓

Teenager si Ivory nang mag-migrate sila ng pamilya niya sa USA.

Nakilala siya dahil sa kanyang pagganap sa karakter ng transgender activist na si Cecilia Chung sa When We Rise, ang eight-part docu-drama series tungkol sa kasaysayan ng LGBT rights advocacy sa Amerika na napanood sa ABC noong February 2017.

Sina Whoopi Goldberg, Guy Pearce, at Mary Louise Parker ang ilan sa mga co-star ni Ivory sa When We Rise.

Samantala, naglabas na ng pahayag sa kanyang Instagram page ang Batgirl star na si Leslie Grace tungkol sa masaklap na nangyari sa launching movie niya na pitong buwang kinunan sa Glasgow, Scotland ang mga eksena.

Mensahe niya: “Querida familia! On the heels of the recent news about our movie 'Batgirl,' I am proud of the love, hard work and intention all of our incredible cast and tireless crew put into this film over 7 months in Scotland.

“I feel blessed to have worked among absolute greats and forged relationships for a lifetime in the process! To every Batgirl fan - THANK YOU for the love and belief, allowing me to take on the cape and become, as Babs said best, 'my own damn hero!'”

Continue reading below ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ivory Aquino (left), a Filipino-American transgender actress, plays the best friend of Barbara Gordon/Batgirl (Leslie Grace, right) in the cancelled Batgirl movie.
PHOTO/S: @msivoryaquino on Instagram / Warner Bros. Discovery
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results