Sparkle artist Mariel Pamintuan, trending dahil sa komento tungkol sa GMA Gala Night

by Jojo Gabinete
5 days ago
mariel pamintuan gma gala night
Trending ngayon ang GMA Sparkle Artist na si Mariel Pamintuan dahil sa pagkalat ng TikTok videos niya kung saan nagkomento siya tungkol sa pagkain at hindi pagiging masaya sa pagdalo sa GMA Thanksgiving Gala noong Sabado, July 30, 2022.
PHOTO/S: Pau Guevarra / TikTok

Nagsimula ang showbiz career ni Mariel Pamintuan noong 2007, pero tila ngayon lamang siya napansin ng publiko dahil sa inasal niya sa GMA Thanksgiving Gala na ginanap sa Shangri-La The Fort noong Sabado, July 30, 2022.

READ MORE:

    Dating contract star si Mariel ng Star Magic, ang talent management arm ng ABS-CBN, bago siya lumipat sa Sparkle (dating GMA Artist Center) ng Kapuso Network.

    Continue reading below ↓

    Imbitado si Mariel sa GMA Thanksgiving Gala pero tumatanggap siya ng mga pang-aalipusta mula sa netizens.

    Ito ay dahil hindi umano ugali ng isang mabuting bisita ang kanyang ipinakita sa mga TikTok video niya, isang halimbawa ng kasabihan na “Do not bite the hand that feeds you.”

    “Hello, may sinasabi po siya sa pagkain. Anong lasa ng pagkain?” sabi ni Mariel sa unang video habang kumakain sila ng dalawang baguhang aktres na kasama niya sa mesa, sina Shanicka Arganda at Ella Cristofani.

    “Lasang liver spread?” sagot ng newcomer na tinanong ni Mariel.

    Sinundan niya ito ng komento na, “Okay, sabi po nila, lasang silver spread daw yung pagkain namin.”

    Continue reading below ↓

    Sa kanyang solo selfie video, inamin ni Mariel na binatikos nila ng mga kasama niya ang mga pagkaing inihain sa kanila.

    “Binash namin yung food pero naubos naman. Naubos ko naman.

    "Appetizer pa lang yun. Meron pa tayong main course,” sabi ni Mariel.

    Maaaring nagpapatawa o nagpapa-cute lamang si Mariel, pero hindi ito aprubado sa mga nakapanood ng kanyang videos.

    Sa isa pang video, nagsalita si Mariel na nagpapanggap lamang itong masaya sa GMA Thanksgiving Gala na ginastusan ng malaki ng kanyang home network at malugod siyang inimbitahan.

    “Heller! So, nagpapanggap lang akong nag-e-enjoy dito. Hindi kilala ang mga tao dito. Hindi rin nila ako kilala," taklesang pahayag ni Mariel.

    Continue reading below ↓

    Mahihirapan nang burahin ang mga video ni Mariel na matibay na ebidensiya ng panlalait niya sa okasyon na dinaluhan dahil marami na ang mga kopya nito kumalat sa social media.

    Postscript. Braised duck leg terrine apricot and pecan nuts, grain mustard cream, garden leaves, chunky apple compote ang inihaing appetizer sa Thanksgiving Gala.

    Ito ang tinutukoy ni Mariel at ng kanyang mga kasamang lasang liver spread na hindi ikinatuwa ng netizens.

    gma thanksgiving gala menu

    Continue reading below ↓

    HOT STORIES

    We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Trending ngayon ang GMA Sparkle Artist na si Mariel Pamintuan dahil sa pagkalat ng TikTok videos niya kung saan nagkomento siya tungkol sa pagkain at hindi pagiging masaya sa pagdalo sa GMA Thanksgiving Gala noong Sabado, July 30, 2022.
PHOTO/S: Pau Guevarra / TikTok
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results