Muling magkakaroon ng TV remake ang Underage, ang 1980 blockbuster movie ng Regal Films na mula sa direksiyon ng pumanaw na direktor na si Joey Gosiengfiao.
Malaki ang kinalaman ng Underage sa pagsikat noon nina Dina Bonnevie, Maricel Soriano, at Snooky Serna bilang teenage stars at Regal Babies.
Malapit nang umpisahan ang taping ng TV remake ng Underage na mapapanood sa GMA-7.
Read: GMA-7 to produce TV adaptation of Regal Films movie Underage
Nagkaroon ng virtual story conference ang Underage noong Lunes, August 1, 2022.
Sa original cast ng film version ng Underage, tanging si Snooky ang kasama sa cast ng TV adaptation. Gagampanan niya ang role ni Velda Gatchalian.
Gaganap naman bilang underage Serrano sisters sina Lexi Gonzales (Celine), Elijah Alejo (Chynna), at Hailey Mendes (Carrie).
Sina Gil Cuerva at Vince Crisostomo naman ang leading men nila.
Kasama rin sa cast ng Underage sina Jean Saburit, Yayo Aguila, Christian Vasquez, Jome Silayan, at may special participation sina TJ Trinidad at Nikki Co.
Si Rechie del Carmen ang direktor ng Underage na unang napabalita noong March 2021 na gagawin ng GMA-7, pero ngayon lamang matutuloy.
Trivia: Ang ABS-BN ang unang gumawa ng television remake ng Underage noong March 2009 sa Your Song Presents na pinagbidahan nina Melissa Ricks, Empress Schuck, at Lauren Young.