Marco Gumabao at Kylie Verzosa, mag-ex na kahit hindi pa nagiging sila

by Jojo Gabinete
5 days ago
marco gumabao kylie verzosa
Marco Gumabao on Kylie Verzosa: "Kami ni Kylie, we formed a friendship nung nanalo siya na Miss International. I mean, sobrang close namin ni Kylie, and career siyempre muna. Importante, career muna. Si Kylie, very hot ngayon, so I’m sure career lang talaga ang focus niya sa buhay."
PHOTO/S: Pau Guevarra / @jplaxamana on Instagram

Tungkol sa sugar dating ang kuwento ng Baby Boy, Baby Girl, ang bagong pelikula ng direktor na si Jason Paul Laxamana na pagbibidahan nina Marco Gumabao at Kylie Verzosa.

Kontrobersiyal ang tema ng proyekto dahil tatalakayin nito ang buhay ng mga taong may mga "sugar daddy" at "sugar mommy" na pinapatulan nila para makaraos sila mula sa kahirapan.

Nasa Singapore si Marco para sa taping ng isang TV series nang malaman niyang siya ang napili bilang lead actor ng Baby Boy, Baby Girl.

Natuwa si Marco na muli silang magkakatrabaho ni Dirk John Paul at alam niyang maganda ang project nila dahil nangyayari sa totoong buhay ang kuwento ng Baby Boy, Baby Girl.

Pruweba nito ang mga Sugar Dating sites sa Internet.

Kuwento ni Marco sa storycon ng pelikula, “Pagkabasa ko ng script, magka-text kami ni Kylie that time, nagulat ako na ganoon ang tema ng pelikula.

“Nakakatuwa kasi as we all know, sa mundo ngayon, maraming mga ganyan. It’s a real situation which is happening in our world right now.

Continue reading below ↓

“So, nung binabasa namin, nakakatawa.

At the same time, nakaka-excite kasi we can also put ourselves in the shoes ng sugar babies. Kung paano tumatakbo ang mundo nila at kung paano sila nakikipagtransaksyon sa mga sugar daddies o sugar mommies nila.

"Nung nabasa ko, very excited at very shocked, sa totoo lang.”

Continue reading below ↓

Matagal nang walang karelasyon si Marco at hiwalay na si Kylie sa ex-boyfriend nitong si Jake Cuenca. Dahil dito, tinukso ang dalawa na baka magkagustuhan sila sa set ng Baby Boy, Baby Girl.

Pero tinawanan lamang ito ng 27-year-old actor.

Paliwanag niya, “This is like our 6th or 7th project. I think out of those six or seven projects, more than half mag-ex din [ang role] kami.

“Kumbaga, hindi pa kami nagiging kami, mag-ex na agad kami, so pinangunahan na namin yung projects namin.

"But kidding aside, kami ni Kylie, we formed a friendship nung nanalo siya na Miss International [2016].

“I mean, sobrang close namin ni Kylie, and career siyempre muna. Importante, career muna.

“Si Kylie, very hot ngayon, so I’m sure career lang talaga ang focus niya sa buhay."

Uumpisahan sa susunod na linggo ang shooting ng Baby Boy, Baby Girl. Malaki ang posibilidad na kunan ang mga eksena ng pelikula sa lalawigan ng Pampanga dahil dito isinilang at lumaki si Laxamana.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Marco Gumabao on Kylie Verzosa: "Kami ni Kylie, we formed a friendship nung nanalo siya na Miss International. I mean, sobrang close namin ni Kylie, and career siyempre muna. Importante, career muna. Si Kylie, very hot ngayon, so I’m sure career lang talaga ang focus niya sa buhay."
PHOTO/S: Pau Guevarra / @jplaxamana on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results