Billy Crawford at Bobet Vidanes, pareho nang Kapatid, Kapamilya, at Kapuso

by Jojo Gabinete
4 days ago
billy crawford bobet vidanes
Billy Crawford's game show The Wall Philippines will start airing on August 28 on GMA-7. The show is directed by Bobet Vidanes (right, with Billy), who is also the creative director of the variety program Tropang LOL, where Billy is one of the hosts, which airs on V5, kapamilya Channel, and A2Z.
PHOTO/S: Instagram

Magkakaroon ng pagbabago sa timeslot ng mga programa ng GMA-7 tuwing Linggo dahil sa nakatakdang pagsisimula ng Season 2 ng The Wall Philippines sa August 28, 2022.

At press time, 3:30 p.m. ang pinaplanong airing time ng The Wall Philippines, ang game show ni Billy Crawford na napanood sa TV5 mula March 2021 hanggang September 11, 2021.

Read: GMA Network welcomes back Billy Crawford after 15 years

Ang Viva Television ang may hawak ng franchise ng The Wall Philippines, at ang New Frontier Theater ang venue ng taping ng game show na isa lamang sa mga partnership deal ng GMA-7 at Viva Television.

Masuwerte si Billy dahil bukod sa game show niya sa GMA-7 tuwing Linggo, napapanood siya sa Tropang LOL mula Lunes hanggang Sabado sa TV5, A2Z , at Kapamilya Channel.

Hindi lamang si Billy ang masasabing masuwerte dahil mapalad din ang kanyang malapit na kaibigan na si Bobet Vidanes, ang direktor ng The Wall Philippines.

Continue reading below ↓

Si Bobet ang dating direktor ng It’s Showtime. Nang iwanan niya ang noontime program ng ABS-CBN, lumipat siya sa Viva Television at tinanggap din niya ang alok para maging creative director ng Lunch Out Loud, ang noontime variety show ng TV5.

Read: Bobet Vidanes on final straw that made him leave It's Showtime: "Toxic na, e... Iba na ang patakbo."

Ngayong inilipat na ang The Wall Philippines sa GMA-7, “enjoying the best of both worlds” si Bobet dahil napapanood ang kanyang programa, ang Tropang LOL, sa dalawang free-to-air television network, ang A2Z at TV5, pati na sa Kapamilya Channel, ang pay television network na sister station ng ABS-CBN na iniwanan niya.

Si Bobet ang isa sa mga nakinabang sa partnership sa pagitan ng TV5 at ABS-CBN, Viva Television at GMA-7.

Tulad ni Billy, hawak niya sa kasalukuyan ang karangalang matawag na Kapatid, Kapamilya, at Kapuso.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Billy Crawford's game show The Wall Philippines will start airing on August 28 on GMA-7. The show is directed by Bobet Vidanes (right, with Billy), who is also the creative director of the variety program Tropang LOL, where Billy is one of the hosts, which airs on V5, kapamilya Channel, and A2Z.
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results